Hindi naman ako madadapa for sure dahil inaalalayan naman ako ni kuya.

"Good mor-ning, Sir" bati ng isang boses babae paglabas na paglabas palang namin ng elevator ni kuya.

Napaangat ang tingin ko sa kanya at napangisi ng taasan niya ako ng kilay.

"Oh, by the way, princess. She's Reese, my secretary. Reese, this is London." Pakilala nito sa amin.

Inabot ni ate Reese ang kamay niya sa akin para makipagshake hands. Pero tinignan ko lang ito. Napansin ko namang umiling si kuya sa kanya kaya binawi na niya ang kamay niya.

Ate Reese, yes, ate nalang tawag ko sa kanya. Sa tingin palang niya, I know she likes kuya and I think mabait naman siya, kahit tinarayan niya ako. Ang bait ko ba? Okay lang yan. Minsan lang naman.

Napansin ko naman na may couch dito sa office ni kuya kaya kaagad ko itong pinuntahan. Napangisi pa ako ng may maisip na kalokohan.

Tumingin ako kay kuya na ngayo'y nakaupo na sa swivel chair niya at kausap ang secretary nito.

"Pahiga ha. Kulang ako sa tulog. Pinuyat mo ako kagabi." Mapaglarong tanong ko kay kuya. Sabay naman silang napatingin sa akin agad.

"What do you mean na pinuyat? It's your fault, princ--"

"Nah.. just let me sleep until later, bago tayo magdate."

"A-are you l-living together?" Mahinang tanong ni ate Reese kay kuya. Mabilis naman tumango si kuya at sinagot siya.

"Of course, we're living on the same roof. she'a my--"

"Shhhh" saad ko at nilagay pa ang daliri ko sa bibig ko, senyas na tumahimik sila.

"E-excuse me. Magc-cr lang po ako." Sabay alis nito at iniwan kami ni kuya. Pagsarado na pagsarado ng pinto, agad na kumawala ang tawang kanina ko pa pinipigilan na nagpataas ng kilay kay kuya.

"I like her." Saad ko, sabay turo sa pintong nilabasan ni ate Reese.

"What?" Gulat na tanong ni kuya, kaya ngumisi ako.

"Not for me. For you."

"Huh?" Naguguluhang tanong nito.

"She likes you." Dagdag ko pa.

"What?"

Ano ba yan. Napaka slow naman nito. Nakakainis.

"Wala!" Inis kong saad tsaka na humiga muli.

Ate Reese is pretty naman. Hindi na lugi si kuya. Base din kasi sa balat niya, mukha itong may kaya. Sa intsura palang kanina ng makita si kuya na naka-akbay sa akin, alam ko na na may gusto ito sa kanya. Na-confirm pa kanina about sa living together. Sinadya ko talagang putulin ang sasabihin ni kuya na I'm his sister and ng makita ko yung itsura ni Ate Reese, parang maiiyak na ito.

Maya-maya lang rin ay bumalik na ito pero hindi ko na sila pinansin dahil antok na antok na talaga ako.

--

"Princess, wake up." Panggising sa akin ni kuya, kasabay ng pagtapik nito sa akin.

"Hmm."

"Wake up, come on. Let's eat first bago tayo umalis." Malambing na saad nito sa akin sabay halik sa ulo ko.

Nagmulat ako at bumangon. Kinusot kusot ko pa ang mata ko. I saw kuya na nakaupo paharap sa akin. He's smiling on me. Lumapit ito sa akin para ayusin ang buhok ko na nagulo. I smiled at him too and kiss his cheek sabay tayo. Sabi sa inyo e, paiba iba mood ko pagdating sa kanila.

Napatigil pa ako ng makita ko si Ate Reese na nakatingin sa amin. I saw pain in her eyes and when she saw me looking at her, agad siyang umiwas ng tingin.

Her SaviorKde žijí příběhy. Začni objevovat