We remained silent for a few minutes while still hugging each other. Tahimik pero ang komportable sa pakiramdam. Tanging mga hampas lang ng alon at ang paghinga namin ang maririnig. I realized that I’ve never been at peace since the day I thought he was gone, not until now that I am wrap around in his arms. This is the peace that I needed. The rest that I needed. The home that I needed.

“Kumusta?” Hekamiah asked after the long stretch of silence. We are now quietly sitting on the sand while watching the waves reach our feet. Binaling ko ang mga mata ko sa kanan upang tingnan siya.

“Doing great,” I shrugged. “And better...” because I’m with you now. “You?” balik ko sa tanong niya.

He just stared at me for a few seconds before the ghost of a smile appeared on his lips. “Masaya...” he uttered huskily. Namumungay ang mga matang nakatingin sa akin. Bigla akong nailang, ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin at ibinalik iyon sa dagat.

“Bakit ka naman masaya?” maang maangan kong tanong. Pero mukhang mali atang desisyon iyon. Napatigil ako sa paghinga nang bigla niyang hapitin ang baywang ko papalapit sa kanya. Agad naman akong napasandal sa matigas niyang dibdib.

Bigla akong napipi. Umurong ang dila ko at nanatiling tikom ang bibig ko habang sumusuot sa ilong ko ang kanyang pabango. Ramdam ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso niya at alam kong sumasabay ito sa akin. Mas lalo akong hindi nakagalaw nang dahan dahang nilapit niya ang kanyang labi sa kanang tainga ko.

“Dahil yakap kong muli ngayon ang musika ko,” malambing niyang bulong.

Ramdam na ramdam ko ang pagkatunaw ko habang yakap yakap niya ako. God, this man. Hindi pa rin talaga nagbabago. Alam na alam niya kung paano niya ako patatahimikin at pakikiligin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nagpipigil ng ngiti.

“Kinikilig ka?” he teased then followed by his chuckles.

Agad kong hinampas ang braso niya. “Shut up!”

Mas lalo pa siyang natawa. “Huwag ka nang mahiya, pareho lang tayo,” tawa niya. Hinampas ko siyang muli pero hindi ko na rin mapigilang hindi matawa. Ilang minuto pa kaming tumawa bago kami natahimik muli.

Habang pinapanood namin ang mga hampas ng alon naisatinig ko rin sa wakas ang kanina ko pang gustong itanong sa kanya. “What took you so long, Hekamiah?”

Napatigil siya sa paglalaro sa mga daliri ko at naramdaman ko ang malalim niyang paghugot ng hininga saka niya ito dahan dahang pinakawalan. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin tila ano mang segundo ay maglalaho ako, kahit na hindi naman at wala na akong balak pang iwan siya. Gusto ko lang ng paliwanag niya.

Kinuha niyang muli ang kamay ko at sinimulan niya ulit itong laruin. “Kasi gusto kong bago ako bumalik sa ‘yo, maayos na ang lahat. I want to be better and deserving first before taking you back because you only deserves the best. At sa tingin ko ito na ang panahong iyon.”

Dahan dahan akong napatango. “Okay...”

“Cassandra...” tawag niya sa ‘kin.

“Hmm?” Lumingon ako sa kanya. Namumungay ang mga matang nakatingin siya sa akin. “Ako pa rin ‘di ba?” umaasang tanong niya.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko upang pigilan ang pagtawa. “Anong klaseng tanong ‘yan?” tawa ko. He pouted. “Ganito ba ang ayos natin kung hindi?”

He bit his lower lip to hide his wide smile then he buried his face on my neck. I giggled because it tickles me. “Mahal na mahal mo talaga ako,” kinikilig niyang sabi habang tumatawa.

Hindi ko mapigilang hindi mapairap kahit na hindi naman niya kita. “Parang siya hindi a?” I said sarcastically. Tawa lang ang tugon niya.

“Paano kung namatay nga ako? Edi tatanda kang dalaga?”

Send Answer, Lods!Where stories live. Discover now