"Sapat na yung laman nito, inipon ko ang lahat ng allowance na ibinibigay mo sa akin araw-araw. Kaya kung isasama yung naipon ko noon, sapat na ito para mabayaran ang bill natin." Sabi ni Nonack.

Hahahaha!

Kahit na naging mahina ang boses ni Nonack, narinig pa rin ng lahat ang kaniyang sinabi at nagsimula muli sa pagtawa.

Matapos bayaran ang kanikanilang mga bill, nagsialis na ang mga miyembro ng pamilya Perez.
Dito na patagong hinawakan ni Norman ang braso ni Nonack at agad na isinakay sa kaniyang sasakyan

"Sa wakas, nakita na kitang muli, ikalawang young master..." sabik na sinabi ni Norman habang nagdadrive ng kaniyang sasakyan.

"Saan mo ako dadalhin?

"Ipapakilala kita sa ilang mga tao, siguradong gustong gusto ka na rin nilang makita!" nanginig ang mga kamay ni Norman sa mga sandaling ito. "Kaya kailangan mong sumama sa akin..."

"Sige, sige, sige. Sasama na ako sa iyo basta mag-ingat ka lang sa pagdadrive." Sabi ni Nonack.

Buwisit, bakit ba sabik na sabik ang lalaking ito? Hindi na niya mahawakan nang maayos ang manibela ng kaniyang sasakyan.

Mabilis na umandar ang sasakyan at agad na nakarating sa entrance ng isang bar.

Ang Moonlit River Bar, ang pinakamarangyang bar sa buong Donghai City!

Masasabing hindi bababa sa 10,000 dollars ang pinakamaliit na magagastos ng kahit na sino para sa dalawang tao na iinom sa bar na ito!

Maraming mga magagarang sasakyan ang makikitang nakapark sa entrance ng Moonlit River Bar, kaya siguradong may kaya kahit papaano ang mga parokyanong nagpupunta sa bar na ito.

"Ano bang ginagawa natin sa lugar na ito?" tanong ni Nonack habang bumababa sa sasakyan.

Ayaw niya sa mga ganitong klase ng lugar dahil sa matinding ingay ng mga ito.

"Para bigyan ka ng isang surpesa." Nakangiting sinabi ni Norman. "Ikalawang young master, matagal niyo na ring kakilala ang boss ng Moonlit River Bar, ito ay si Samson Facey."

Si Samson Facey?

Oh, naalala na ito ni Nonack.
Noong una, isa lang itong all around na trabahador sa angkan ng mga Wayne. Naisip ni Nonack na mayroon itong utak kaya pinromote niya ito sa isang managerial na posisyon. Matapos magtrabaho ng dalawang taon at makaipon ng malaki, umalis na siya sa angkan ng mga Wayne para magsimula ng sarili niyang negosyo.

Hindi inasahan ni Nonack na si Samson ang nagtayo ng Moonlit River Bar. Mukhang hindi nga nito binigo si Nonack.

"Ikalawang young master, mauna ka na po sa loob, hintayin mo ako sa loob ng 777," sabi ng nakayukong si Norman. "Ihahanda lang naming ni Samson ang surpesa naming sa iyo na siguradong magugustuhan mo!"

Umalis na si Norman bago pa man makasagot si Nonack.

Napabuntong hininga na lang si Nonack na pumasok sa Moonlit River Bar.

Kaya pala naging ganito kasikat ang bar na ito, maging ang mga usher nito sa entrance ay mga nagagandahang mga binibini.

Nakangiting pumasok si Nonack nang marinig niya ang nakabibinging tugtog sa loob ng bar.

Napakasigla ng eksena na masasaksihan ng kahit na sino sa loob ng bar na ito, makikita ang nagkukumpulang mga lalaki at babae sa dance floor na iniindak ang kanikanilang mga katawan sa malakas na tugtog ng bar...

Naramdaman na ni Nonack ang pagtanda niya kaya hindi na para sa kaniya ang mga ganitong klase ng lugar...

"Oh? Hindi ba ako namamalikmata, hindi ba iyon ang walang kuwentang si Nonack?" Biglang sinabi ng isang tao mula sa likuran ni Nonack. Dahil dito ay agad na napalingon si Nonack at nagulantang sa kaniyang nakita.

'Son-in Law who surpasses them all'Where stories live. Discover now