1 | Ismael

5 0 0
                                    

I'm just staring at the food na inihain ng aming kasambahay habang 'yong mga katabi ko naman ay patapos nang kumain. 


Parang normal na araw lang sa kanila itong araw na 'to ngunit para sa akin hindi. 


Ang daming putahe na nakalapag sa lamesa ngunit wala akong gana dahil sa mga kasama ko ngayon. I'm eating with my mother and stepfather at medyo nagmamadali sila dahil late na sila sa work sa ospital. Parehas silang doktor ngunit magkaiba ang department nila. Kasama rin namin kumain ang dalawa kong step-siblings na fraternal twins. 


My family is so fucked up, so is my life. Wala man lang nakakaalala kung ano ang meron sa araw na 'to.


"Ismael, pumasok ka sa school niyo! Hindi 'yong magmumukmok ka dito sa bahay dahil binubully ka lang ng mga kaklase mo." sabi ni Isidora- I mean mom, habang nakatingin sa mukha ko na may pasa sa pisngi.


"Tss. Kalalaki mong tao hindi ka marunong makipaglaban?" singit naman nitong si Michael. Lagi niya akong minamaliit sa harap ni mom ngunit wala rin namang ginagawa si mom upang pigilan ito. "Bakla ka ba?" tanong pa nito at bigla akong nainis.


Porke't mahina at lampa, bakla na agad. Tss.


"Daddy inaway ko 'yong kaklase ko kahapon. Iyak siya." pagmamalaki ng batang uhugin na si Marcus habang ang kambal naman niyang si Marga ay patuloy lang sa pagkain.


"Buti pa 'tong bata kayang ipaglaban sarili niya. Ikaw katanda-tanda mo na, ang lampa at ang hina mo pa rin." sabi ni Mom at narinig kong tumawa si Michael. Napailing na lang ako at natawa nang marahan.


"Bakit ba kung makapag-salita kayo parang hindi ko kayo kapamilya?" iritado kong tanong at padabog na umalis sa kusina at bumalik sa aking kwarto. 


Pumapasok na sa paaralan 'yong dalawang batang uhugin dito sa bahay. Doon sila sa Maria Assumpta Kid's Academy habang sina Mom at Michael naman ay pumapasok sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Hospital and Research Facility, isang public hospital dito sa Cabanatuan. Senior High School na ako, Grade 12 student. Nag-aaral naman ako sa Cabanatuan City Senior High School na medyo malapit lang dito sa subdivision na tinitirahan namin.


Naiinis ako habang tinitignan ang pasa sa mukha ko sa harap ng salamin. Kahapon ay napag-tripan na naman ako ng mga bully sa school namin. Sinuntok ako sa C.R. dahil lang na-bad trip ito nang may mang-agaw ng girlfriend niya. Typical na siga sa school. Nakakainis na talaga 'yong Ross na 'yon. Wala siyang mapaglabasan ng sama ng loob kaya naman sa akin niya ibinuntong lahat ng sama ng loob niya. Porque anak siya ng Congressman walang may gustong kumalaban sa kanya. Karamihan din kasi ng donations sa school ay galing sa pamilya nila. Sigurado naman ako na pera rin ng bayan 'yong pera ng congressman na 'yon.


Kilala ako sa school namin, hindi dahil nagugustuhan ako ng marami kun'di dahil madalas akong pagkatuwaan ng mga ka-batch namin. Ako ang pinaka-vulnerable na target nila dahil alam nilang mahina ako at lampa. Palagi nilang kinukuha ang pera at baon ko, babatukan ako, sasabihan akong bakla, o kaya naman ay bigla na lang pagdidiskitahan, ginagawang punching bag. Dahil sa mga tulad nila, madalas kong pinipili na h'wag na lang pumasok. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hey, BrotherWhere stories live. Discover now