tulad nga ngayon andito ako sa minasea para makipag usap at makpag kasundo para sa bukas na kalakalan ng mga produkto nila

maganda ang minasea.. Makikita mong masaya ang bawat mamayanan sa pamumuhay nila walang bakas ng hirap sa mga mukha nila..

Naglalakad ako mag isa para maipakita na wala akong planong sakupin sila..

Naaliw ako sa pagmamasid ng may maramdaman akong kung ano sa tagiliran ko..

Napatingin ako may kumakalabit sakin

"ano yon bata?" tanong ko nakayuko lang sya

"wag kang maingay.. Sumama ka sakin"

gamit ang maliit nyang kamay hinawakan nya ko at hinila kung saan.. Parang gumaan ang loob ko nung hinawakan nya ang kamay ko..

Nung makarating kami sa isang sulok ay agad akong lumuhod para mapantayan ko sya..

Nagkatapat ang aming paningin.. Bat parang nakita ko na sya kung saan.. Ang mga mata nya... Tintigan ko sya ng mabuti

"tititigan nyo lang po ba ako ginoo?" tanong nya

napailing nalang ako

"anong kailangan mo bata"

nanglaki ang mata nya

"hindi mo ko kilala??"

umiling ako

bumilog ang mata nya.. Nakita ko na talaga ang mga matang yan

"maari mo ba kong ipasyal?.."

"hindi kaba hinahanap sa inyo? At isa pa marami akong gagawin?"

"sino ka para tanggihan ako?" sabi nya sabay paymewang napangiti ako sa isip ko

"at sino ka para utusan ako" pang aasar ko

yumuko sya

"maghahanap nalang ako ng ibang magpapasyal sakin"

"tara na nga" kahit hindi ko kabisado ang lugar na ito hindi ko namang hahayaang umalis ang batang kasama ko..

Maswerte sya at ako ang nahila nya paano kung masamang tao ang makakuha sa knya.. Siguro mamaya tatanungin ko kung saan sya nakatira.. Ihahatid ko sya
hihilahin ko sana sya paunta sa pamilihan ng..

"wag tayo dyan ginoo maraming makakakilala sakin"

nagtataka naman ako at hinayaan ko syang dalhin ako kahit saan nya gusto nakarating kami sa isang ilog


" tama ! Yeeey! Tama ang nakabisado kong daan noong binasa ko ang mapa ng buong kaharian!! Napakaganda!!"

sabi nya habang tumatalon talon pa



"ngayong nandito ka na maari ko na bang malaman kong san ka nakatira para maihatid na kita ??"



"pero masyado pang maaga para umuwi ginoo..."



"baka nagaalala na ang mga magulang mo sa iyo"

"abala naman si ina hindi nya mapapansin na wala ako"

napatingin ako

" e ang iyong ama?"

"haysss... Di daw sila para sa isat isa e"

ang lalim naman mag isip ng batang ito talagang nakaka aliw sya

"ano ba ang pangalan mo?"

"talaga palang hindi ka taga dito ako po si alyanna"


"alyanna"

siguro naman hindi masama na magtanong ng konti tungkol sa kaharian sa batang ito.... myado kasing kumplikado wala akong alam na kahit ano sa namumuno dito bukod sa reyna daw ang namumuno...

"masaya ba dito?

" opo"

"magaling ba ang namumuno??"

",agaling sya kaya nga wala syang oras sakin minsan"

"hah?"

"wala po tara na po ihatid nyo na p ako"

Seduce the princeΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα