PROLOGUE

33.3K 539 49
                                    

Hindi perpekto ang mundo. Natutunan ko ito habang namumuhay. Papanaw ang mga mahal mo sa buhay, aapak ka sa mga matitinik na daanan, at mababasag ang puso mo.

Ang lahat ng ito ay napagdaanan ko na, ngunit hanggang ngayon ay umaaligid pa rin ang mga ito sa buhay ko. Matagal nang nalibing ang mga ito sa nakaraan, ngunit tila mamumuhay ito hanggang sa huli kong paghinga.

"Ladies and gentlemen, welcome to New York."

Mayroon kaming malaking proyekto na ginawa ni Eli sa mga nakaraang buwan, at bilang gantipala'y lumipad kami rito upang makapagpahinga. Dumiretso kami sa hotel kung saan kami kasalukuyang mananatili hanggang matapos ang trip. Nag-schedule kami ng tour na magsisimula bukas.

"There's going to be a concert happening here in a few days," banggit niya. Nagikot-ikot muna kami at huminto sa isang shop. "Gusto mong pumunta?"

"Puwede," sagot ko. Limitado ang oras namin dito at kapag natapos na iyon'y balik na naman sa trabaho. Mahilig din naman ako sa musika kaya puwede itong maging opportunidad para maibsan ang isip ko sa stress. "Bagay 'yan sa'yo!"

Nawala rin ang atensyon namin sa pinag-uusapan at lumipad sa mga dress na naka-display. Pareho kasi kaming mayroong hilig sa fashion.

Umuwi kami matapos ng ilang oras. Punong-puno na ang sahig ng mga shopping bags galing sa iba't ibang shops na nadatnan namin. Bumili rin kasi ako ng souvenirs at regalo para sa pamilya ko.

Nakatulog ako ng ilang oras at ginising na ako ni Eli para makapag-dinner sa labas. Nag-reserve na kami beforehand kung kaya'y dumiretso na kami sa lamesa upang mag-order nang makadating.

Kapagkuwan ay dumating na ang mga pagkain. Naubos na namin ang mga 'yon sa loob ng isang oras, ngunit nanatili pa rin kami rito dahil nagdagdag din siya ng mga desserts. Pinabayaan ko na siyang kumain dahil mabigat na ang tiyan ko.

"Sino ang pinagkakaguluhan doon?" punong bibig niyang tanong. "Seems famous!"

Sinundan ko kung saan tumuro ang daliri niya at naaninag ang sindamakmak ng mga reporters na nasa labas ng restaurant. Hinahabol nila ang lalaking kaka-apak lamang dito sa loob. Nakasuot siya ng face mask, glasses, at cap kaya hindi ko siya namukhaan. Ilang mga bodyguards din ang nasa gilid niya.

"Artista 'ata," kibit-balikat kong tugon. Hindi wala sa karaniwan sa aking makasalubong ang ilang mga matataas na tao dahil madalas ko rin silang maka-trabaho.

"Should I approach him?" Kuminang ang mga mata ni Eli sabay tayo upang pumunta sa gawi ng hindi kilalang lalaki. Mahilig kasi siyang makipag-kaibigan at alukin ang mga artista upang maka-trabaho sa kumpanya. "I should approach him!"

"Pahinga tayo ngayon, 'di ba?" untag ko naman. Naningkit ang mga mata ko sa upuan ng lalaki sabay dagdag, "Atsaka, hindi ka makakadaan sa dami ng mga bodyguards niya."

Nag-simula na rin ang tour namin. Marami kaming pinasyalang mga lugar, at sa isang iglap lamang ay natapos na rin ito kasabay ng paglubog ng araw. Hinanda ko na ang mga susunod na damit na gagamitin sa mga natitirang araw. Mayroon kasi ulit kaming tour bukas.

"Nakabili na ako ng tickets!" sambit ni Eli. Nakatayo kami ngayon sa balcony at pinapanood ang tanawin ng makukulay na ilaw ng lungsod.

Pinigilan ko ang sariling umangal nang mapagtanto na siya ang nagbayad ng ticket ko. Mahilig kasi siyang manlibre dahil madami rin ang laman ng pitaka niya. Ang hirap din namang tumanggi kasi mas makulit pa siya sa akin.

Accumulate the Stars (High School Series #1)Where stories live. Discover now