Kabanata 10 - Ang katungali

Začít od začátku
                                    

Kasalukuyan itong abala sa pagtulong kay Sansky sa pag-akay kay Mond papasok sa loob ng sasakyan naman nito. Agad siyang pumasok sa sasakyan ni Erickson nang ipagbukas siya ng pinto nito sa katabi ng driver seat bago pa man siya makita ni Aidem.

"Dito lamang tayo mag-uusap," may bahid na ng pagkaseryoso ang boses niya. "Kaya huwag mo ng tangkain  pa itong paandarin," aniya pa kay Erickson.  

"Ahm, okay. Akala ko kasi—." Hindi na nito nagawang matapos ang sasabihin sapagkat agad na nagsalita si Angel.

"Hindi na ako ang dating teenager na madali mong nauto noon. Kaya kung ano man ang sasabihin mo simulan mo na. Tiyakin mo rin na masasabi mo na ang lahat ng dapat mong sabihin sa akin dahil wala na itong susunod pa." Kahit hindi siya nakatingin sa mga mata ni Erickson ng sinabi iyon sapagkat sa harapang bahagi siya ng sasakyan nakatingin ay sigurado siyang naiparamdam niya rito ang nais niyang tumbukin.

"I'm sorry. Alam ko na masiyado ng matagal ang panyayaring iyon at useless na rin ang paghingi ko ng tawad sa iyo. Hindi ako nakatitiyak na mapapatawad mo agad ako pero sa paraan man lang na ito ay matahimik na ang konsesiya ko na inalagaan ko lang ng maraming taon na wala akong ginawa."

Napilitan siyang tingnan ng diretso sa mata si Eickson. "Ang lahat ay nanyari na. Hindi na maibabalik pa ng paghingi mo ng tawad ngayon. Ang mga panahong naging miserable ang buhay ko noong tinalikuran mo ang responsibilidad mo dapat sa akin."

"But god knows Angel, na hindi ko ginustong iwanan ka noon at talikuran ang responsibilidad ko sa iyo."

Pagak siyang tumawa sa sinabi nito. Ngunit hindi niya napigilan ang pagbagsak ng luha niya sa pagbabalik sariwa ng lahat. "Hindi mo ginusto, pero ginawa mo pa rin. Tama na Erickson, dahil huli na ang lahat. Nawala ang anak natin dahil sa iyo, dahil pinabayaan mo ako! Pinili kong maging ganito dahil sa iyo alam mo ba iyon ha!?."

Dala na rin siguro ng mga nainum niyang alak kaya mas lalo siyang naging emosyonal sa harap nito. Gusto niyang samantalahin na sumbatan na ito ngayon at masabi ang lahat ng mga hindi niya nasabi noon. Kasabay ng bawat pagpatak ng luha niya ang sakit na muling nabuhay sa puso niya.

"Akala ko ayos na 'ko eh, kasi ang tagal na 'nun pero ng dahil sa pagkikita natin ngayon. Ang lahat ng sakit ng kalooban na binigay mo sa akin ng panahon na iyon, nakatago lang pala lahat dito," sabay turo sa parte ng puso niya.

"Sana hindi mo na ako nilapitan, sana tinanaw mo na lang ako mula sa malayo o kaya inisip na hindi talaga ako iyon." Napasapo siya sa sariling bibig para kahit paano ay mabawasan ang paglakas ng iyak niya.

Kinabig siya ni Erickson para yakapin na hindi naman niya tinutulan. Hinayaan niyang umiyak siya sa mga balikat nito. Dahil kung hindi niya iyon gagawin, hindi gagaan ang pakiramdam niya.

"I'm sorry, I'm realy sorry," kasabay ng paghimas sa likod ni Angel. Nagbabakasakali na gumaan ang pakiramdam nito kahit paano. "I am willing to do anything makuha ko lang ang pagpapatawad mo," wika pa niya kay Angel.

Kumalas naman sa pagkakayakap si Angel mula rito at may mga luha pa sa matang tumingin kay Erickson. "Hindi mo na iyon kailangan pang gawin dahil matagal naman na kitang napatawad. Kahit mahirap para sa akin na gawin iyon noon, tinuruan ko ang sarili ko na patawarin ka pero hindi ibig sabihin 'non na makakalimutan ko na lang iyon ng basta-basta. Dahil ang sugat maghilum man ay mananatili ang pilat kung malalim ang pinagmulan."          

Pinahid ni Erickson sa pamamagitan ng mga daliri nito ang luhang patuloy na pumapatak sa pinsgi ni Angel. "Salamat, Pangako babawi ako sa mga taong nasayang sa atin." 

Ang malagkit na tinginang iyon ay hindi nakapagpapigil kay Erickson na hindi unti-unting ilapit ang mga labi sa labi ni Angel. Banayad at may pagsuyo niya iyon hinalikan.

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Kde žijí příběhy. Začni objevovat