"Mommy, daddy please stop fighting." Saway ni Gelo.

"Sorry baby." Hinalikan niya si Gelo sa ulo.

"Gelo, kung ikaw ang tatanungin, gusto mo din ba kay daddy?" Tanong ng abogado ni Iñigo.

"Opo! I want my daddy." Masiglang sabi ni Gelo na tinaas pa ang dalawang kamay.

" Attorney Santos, alam natin, na visitation right lang ang pwedeng ibigay kay Mr. Galvez, lalo't tatlong taong gulang palang ang bata." Depensa naman ng abogado ni Cassandra.

"Kaya namin ilaban ang joint custody na gusto ng client ko. Pero hindi yun ang point dito, gusto mo ba talagang umabot pa tayo sa korte kung pwede naman ng agreement custody. Mas makakabuti sa bata kung dalawa kayong mag papalaki sakanya." Sabi ng Abogado ni Iñigo kay Cassandra.

"Ms. Lopez, look at your son. Hind ba niya hinahanap ang daddy niya kahit isang beses man lang?" Napahigit ng hininga si Cassandra, naisip niya dati halos walang bukang bibig si Gelo kundi asan si daddy? Pero ng dumating si Iñigo sa buhay nila, hindi na niya narinig ito na naghahanap ng totoong daddy niya, kundi ang daddy Iñigo na nito ang madalas hanapin at kinululit pa siya nito na tawagan ng tawagan si Iñigo pag wala ito.

Importante sakanya ang anak niya, hindi niya kayang nalulungkot ito. Pinaupo ni Cassandra sa katabing upuan si Gelo at pinaharap sakanya, hinawakan niya nag maliit na mukha nito.

"Gelo, kung hindi mo ba makikita si Tito Iñigo--"

"Not tito mommy, daddy, he's my daddy.. my real daddy." Putol ni Gelo sa sasabihin niya.

"Okay, daddy... Kung hindi mo ba makikita si daddy ma-sa-sad si Gelo?"

"Yes mommy, I'll be sad, because I love daddy very very much." Hindi na napigilan ni Cassandra ang luha niya, na bigla nalang pumatak.

"Why are you crying mommy? Bad ba si Gelo?" Malungkot na tanong nito, mabilis niyang pinunas ang luha niya.

"No baby, na-miss lang kita." Niyakap niya ang anak niya.

Parang dinudurog naman ang puso ni Iñigo sa nakikitang lungkot ni Cassandra, gusto niya itong lapitan at yakapin pero hindi niya magawa. Ayaw niyang nakikita itong nag kakaganito, pero wala siyang pag-pipilian, kapag hindi niya ito ipinag-laban tuluyang mawawala sakanya ang mag-ina niya. Kumalas ng yakap si Cassandra at tumingin sa abogado at kay Iñigo.

"Pumapayag na ako, pero one day lang."

"Ms. Lopez, alternating week ang schedule ng joint custody. 50/50 shared custody. With this plan, your son would live at your house for one week, then Mr. Galvez' house the next week and so on." Napapikit si Cassandra at napatingala. Hindi niya alam kung kakayanin niya ang gan'on.

"Pag iisipan ko." Sabi niya, tumayo si Cassandra at binuhat si Gelo.

"Abogado ko nalang ang tatawag sainyo." Lumabas si Cassandra, pero agad naman siyang sinundan ni Iñigo.

"Andra! Andra baby please!" Huminto si Cassandra at hinarap si Iñigo.

"Stop following me, stop bothering me. okay na, pumapayag na akong hiramin mo si Gelo diba? Ang galing mo... ang galing galing mo." May diin ang bawat kataga ni Cassandra, sabay talikod nito at tuloy-tuloy na lumabas ng building, pero sumunod parin si Iñigo.

"Cassy!" Tumiim ang bagang ni Iñigo ng makita si Miguel na naghihintay sa labas ng building, nakatayo ito sa may sasakyan.

"Let's go" Aya ni Miguel dito, sumama naman si Cassandra at pinag-buksan pa ito ng pinto tsaka sumakay ang mag-ina.

Slept with a Stranger #Wattys2015Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum