Hinawakan ni Armenia ang kamay ko, "Pupunta muna ako sa mga aking kaibigan" paalam nito, teka sinong makakasama k-"Ginoong Timoteo, maaari bang ikaw muna ang makakasama ng aking kapatid?", huli na ng magsasalita pa sana ako dahil ngumiti si  Timoteo at tumango, ganun din ang ginawa ni Armenia bago siya umalis at nagpunta sa mga barkada niya.

Nakatitig sa akin si Timoteo, ano bang tinititigan nito, kanina pa ito dun sa garden!
" Alam kong maganda ako kaya huwag mo namang ipahalata masyado" saka ko nilagay ang mga nahulog kong buhok sa likod ng tenga ko. Narinig ko siyang tumawa ng mahina kaya masama akong tumingin sa kanya. "Iisa lang ang nakikita kong maganda" nakangiti nitong sambit. Ouch. Nahurt ako dun sa sinabi niya, mga 80%. Dahil nga sa nahurt ako, nagwalk out na ako. Ang taas taas ng confidence ko na maganda ako at ang mukha ni Amara, tapos ganun ang sasabihin niya?

Bahagya pa siyang natigilan ng umalis ako, paulit ulit niya akong tinawag pero hindi ako huminto, diretso lang ako. Para na din niyang sinabi na pangit ako. Kaya manigas siya! Napahinto ako sa paglalakad ng may sumulpot sa harap ko na isang binata. Pogi din siya pero hindi niya napantayan ang kay Timoteo, teka bakit ko ba sila pinagcocompare? Magsasalita na sana siya pero may humawak sa kamay ko at ipinagtiklop ito. Nagulat ang lalaki dahil sa mga kamay namin ni Timoteo. Lakas din amats nitong Timoteo eh, di pa nga kami hinahawakan na kamay ko. "Ipagpaumanhin niyo po Ginoo at Binibini, hindi ko po alam na kayo'y kasal na pala" yumuko ito saka umalis. Nakakunot naman ang noo kong tumingin kay Timoteo at tinanggal ang kamay niya sa kamay ko.

"Ano ba ang ginagawa mo?" inis na tanong ko. "Paumanhin kung naging marahas at padalos dalos ako sa ginawa ko, binibini" sabi nito. Dahil nga sa naiinis ako sa kanya umalis ulit ako sa harap niya. "Teka binibini, ibinilin ka sa akin ng iyong kapatid" pigil nito sa akin pero hindi ako huminto. "Sinabi mong pangit ako!" pabalik kong sigaw sa kanya. Para kaming timang na nagsisigawan sa gitna ng mga tao. "Wala akong sinabing hindi ka maganda, binibini, ang sinabi ko ay iisa lamang ang maganda" napahinto ako sa sinabi niya at hinarap ko siya, hinihingal na din siya. "Tanga ka ba? Ganon na din yon!" sigaw ko sa harap niya. Nagulat pa siya dahil sa sinabi ko.

Dumiretso ako sa mga mesa ng mga pagkain at kumuha ng isang plato at pinuno iyon ng adobo dahil nga favorite ko. "Sige na, maganda ka, binibini" sabi nito sa aking tabi habang kumukuha din ng pagkain. Pinaningkitan ko siya ng mata at tumingin naman siya sa akin. "Hindi ako napipilitan, sadyang maganda ka, binibini, ika'y aking binibiro lamang kanina" sambit nito. Hindi ko alam, pero parang kinilig ako doon ah, mga 70%.

Parang ang FC naman naming dalawa, kakikilala lang namin kanina pero ganito na kami mag-usap at magbiruan!

Agad kong nilantakan ang adobo dahil sobrang gutom na ako, hindi na ako naghanap ng upuan o ano, diretso kain na ako sa harap ng mga maraming pagkain. Gulat namang nakatitig sa akin si Timoteo. Tinaasan ko siya ng isang kilay dahil dapat 'mind your own business' tayo sa mga ganitong pagkakataon. Tumingin siya sa paligid, susubo na sana ulit ako pero hinila niya ang kamay ko! "Saan ba tayo pupunta?" naiinis na tanong ko sa kanya. Kanina pa to ah, hinawakan ang kamay ko tapos ngayon hinihila, hindi ba conservative ang lalaki sa panahong ito.

Doon sa mga binabasa ko sa libro, bawal ang hawakan ng kamay kung hindi mo pa nagiging kasintahan o asawa ang isang babae. Napansin kong dinala niya ako sa isang mesa, malapit sa harapang entablado kung saan may tumutugtog ng piano at violin. "Nakakadalawa ka na ah!" inis na sambit ko sa kanya at diretsahang sumubo.

Tapos na akong kumain pero nakatingin parin siya sa akin na tila ba nakakita siya ng multo. "Kukuha lang ako ng pagkain" ngumunguyang paalam ko sa kanya. Para naman siyang binalaukan sa sinabi ko. "A-ako na, diyan ka na lang" maginoong sambit nito saka tumayo papunta sa mga nakahelerang pagkain. Nagtataka naman akong ngumunguyang nakatingin sa kanya. Nang makarating siya, agad kong nilantakan  ang adobo, at wala paring bago sa ekspresyon niya!

Habang kumakain, lumapit na sa amin sina  Armenia at si Sylvia kasama si Felipe, napansin kong nagulat si Timoteo sa biglaang pagdating ng presensya ni Sylvia na nakangiti habang kausap si Felipe. Wala akong pake sa mga drama niyo, mas importante ang adobo!

"Dahan dahan sa pagsubo, Amara. Ayusin mo ang iyong nga kilos, hindi kaaya aya ang mga ginagawa mo" bulong na sambit ni Armenia. Napansin kong napatawa ng mahina si Timoteo kaya sinamaan ko siya ng tingin. Dahil may adobo sa pinggan ni Timoteo at hindi niya iyon ginagalaw, agad ko itong kinuha at napatigil ako ng makitang nakatingin na silang lahat sa akin at halata ang gulat sa mga mata nila. Tumingin ako kay Timoteo, at halatang nagpipigil ito ng tawa. Agad akong sinaway ni Armenia at humingi ng paumanhin kay Timoteo at ngumiti lang naman si Timoteo. Tinignan ko ang pinggan ko at ubos na ang pagkain pero gusto ko pa. Tumingin sa akin si Timoteo at napakagat siya sa sarili niyang labi habang tinitignan ang adobo sa pinggan niya at ang akin. Shet! Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng lalaking sobrang gwapo kapag kinakagat nila ang mga labi nila. Sa amin kasi, mukha silang mga suso na nastroke. Napatulala ako sa ginagawa niya, nang-aakit ba siya?

God, ako na ata ang maistroke!

Along With The Billion Starsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें