Pero paano ko 'yon masasabi sa kanya kung wala siya ngayon dito. Hahayaan ko na lang tutal hinayaan niya na ako.

Ganoon naman dapat, hayaan na natin 'yung mga taong hinayaan na tayo. We don't deserve them because we all deserve happiness. Palagi lang dapat nating piliin sumaya kahit sa napakamasalimuot na sitwasyon.

Kaya ngayon, pipiliin kong sumaya. I will never depend my happiness on someone again because happiness starts with ourselves. You have to make yourself happy before you make other people happy so that, when you already made them happy and they left you... there's still happiness left in yourself. Hindi ka maiiwan... masasaktan ka pero kasama mo pa rin 'yung sarili mo.

My mistake was... I forgot to make myself happy. Masaya lang ako kapag nandiyan siya, masaya lang ako dahil sa kanya... nakalimutan ko kung paano sumaya nang wala siya kaya ngayon, puro sakit ang naiwan sa akin.

But I already learned my mistake and I will never do the same again. We all have to be selfish in order to save ourselves from drowning in pain.

I mean – what's the point of being selfless if they just leave you in the end? It's useless. Live your own life. Value yourself. Put yourself first. Love yourself and make yourself happy.

If you value yourself, you'll start to know yourself more.

If you put yourself first, you'll start to love yourself.

If you love yourself, people will not take advantage of you.

And if you're happy, you'll never be left alone because you have yourself.

Napatigil ako sa paglapag ng libro sa mahabang table ni Selene. It's been a year. Isang taon na ang lumipas at naalala ko na naman ang nakaraan.

"Uhmm... Hi?"

Napatingin ako sa kanya. Agad kong inilapag ang libro sa mahabang table niya. Ngumiti siya. "Ikaw si Hope 'di ba?"

Nagulat ako dahil kilala niya ako. "Uh... yes."

Her smile widened. "Alam mo, be? Crush ka rati ng bestfriend ko! Chance name niya!" Humagikgik siya habang pinipirmahan ang libro ko.

"H-huh?" Hindi ko alam ang sasabihin.

Selene is too beautiful in person. Ms. pa ang tawag ko sa kanya noon, hindi ko alam na kasal na pala siya.

"Oo 'te! Crush ka no'n. Woah! Grabe! Ang ganda mo sa personal, Hope! Pwede ba kita syotain?" nakangiting sabi niya.

Bigla akong natawa. "Joke lang! May asawa na pala ako, ayun nga oh. Malamig ang titig sa akin kanina pa."

"Why? Did you fight?" I asked but she shook her head.

"Be, hindi. Ano kasi, nagpapacute ako sa mga lalaking gwapo na fans ko! Crush ko sila kahit may mga anak na ako!" Tumawa ulit siya.

Napangiti ako. Napakamasiyahin niya sa personal tapos ang mga sinusulat niya sa libro ay napakalalim.

"De joke lang. Pinagtitripan ko lang si Dos," aniya at ibinigay sa akin ang libro. She then looked at me.

"It's nice to see you, Hope. Ang pretty mo sa personal, pretty ka naman sa pictures pero mas pretty ka in person. Pahingi autograph." Tumalikod siya at inipon ang lahat ng buhok niya sa isang gilid.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Where stories live. Discover now