"Did you bring your car? I want to drive you home, Yen."

Napatingin ako kay Ethan. He was a bit tipsy. Kanina pa kasi kami nag-iinuman. Sumasakit na rin ang ulo ko.

"Yeah, I brought my car, Ethan. No need to drive me home," I said.

"I'll follow you then. Baka kung ano pang mangyaring masama sa'yo..." he said.

I understand that he's just worried about me pero kaya ko namang pangalagaan ang sarili ko. Ayoko na kasing mang-abala ng tao at isa pa, artista siya. Baka kung anong isipin sa amin ng mga tao.

"Ethan, you're a celebrity. Baka magkaroon ka ng issue dahil sa akin. I don't want to bring mess in your life." I looked at him.

"But I insis—"

I smiled. "It's okay, Ethan. Don't worry about me."

"Yow! Yow! Yow!"

Jerome caught my attention. I winced when he suddenly danced, holding his drink. Mukhang lasing na siya.

"Congratch, Yen!" My eyes widened when he grabbed my hand. Napunta ako sa gitna habang sumasayaw-sayaw siya.

"Gago ka talaga, Jerome!" natatawang sigaw ni Shana.

"Dude, that's not right." Tumayo si Ethan.

"It's okay, Ethan. Magkaibigan naman kami ni Jerome," I said. Sanay na ako sa ganito niya tuwing nalalasing siya. Hindi ko nga lang maiwasang hindi magulat.

"Let's dance, Yen!" Niyugyog ni Jerome ang dalawang kamay ko.

"Are you okay, Yen?" tanong ni Ethan.

"Alam mo, Ethan? Umupo ka na lang! Ganyan talaga 'yan si Jerome!" Pinaupo ni Shana si Ethan kaya napabuntong-hininga na lang siya.

Napatigil lang sa pagsayaw si Jerome nang may narinig kaming nabasag. Lahat ay napatingin sa pinanggalingan ng ingay at nanggaling 'yon kay Mr. Damian.

Hindi siya nagsalita. Nagsalin lang ulit siya sa ibang baso at nilaklak iyon.

"Are you drunk, Mr. Damian?" tanong ni Mrs. Alexandra.

Hindi siya sumagot. Bigla na lang akong pinakawalan ni Jerome at bumalik na siya sa upuan niya kaya umupo na lang ulit ako.

Natahimik na naman. Tanging si Mrs. Alexandra na lang ang nagsasalita. Uminom ako. Kahit maingay ang music sa loob ng bar na ito ay parang ang bigat pa rin at ang lamig ng atmosphere dahil sa lalaking naka itim na leather jacket.

"Yen, wala ka bang plano mag artista?"

Napatingin ako kay Wane. Kanina pa kasi siya tahimik at ngayong tinanong niya ako ay nakakagulat. Kagaya ni Ethan ay artista rin siya.

I shook my head. "Kuntento na ako sa pagmomodelo," tipid kong sagot.

Tumango siya. Pinagkrus niya ang mga binti niya at ginalaw-galaw ang baso kaya gumalaw din ang mga yelo sa loob non.

"Really? But you are more beautiful than other actresses. Mas angat ang ganda mo..."

I cleared my throat. Did he just compliment me? Hindi ako sanay. Wane is known as a womanizer.

Pero ayoko namang manghusga na lang agad. I mean, yes he's a womanizer but maybe he has a reason.

"Hmm. Thanks," I just said.

"Maybe I should court you? Gusto na kita simula pa nung una..."

Muntikan ko na maibuga ang iniinom ko nang marinig ang sinabi niya. Nagtilian sila Mrs. Alexandra at iba pang kasama namin.

Embracing the Wind (Formentera Series #2)Where stories live. Discover now