Nasa presinto ulit kami at nag plaplano kami ng dapat gawin mamaya, may mga iniba sila sa Plano dahil sa nalaman nila kanina.

Maraming tauhan Pala ang mastermind, Kaya kailangan din naman ng karagdagang Tao ang panig namin. Ang kaibigan daw ni tey ang bahala  sa bagay na iyon.

Pagsapit ng gabi ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba, Alam ko naman na ang gagawin ko pero hindi ko alam Kong anong mangyayari mamaya.

Kinakalma ko ang sarili ko habang nasa biyahe na ako papunta doon, nag taxi lang ako dahil ang gusto nila ay ako lang ang pupunta. Alam Kong nasa malapit lang ang mga kasama ko  Kaya hindi ako na masyadong kinakabahan.

Kakayanin ko ang lahat ng ito Para sa mga anak ko.

Nakikita ko na sa may unahan ang building na pagkikitaan namin ng mga holdapers, huminga ako ng malalim bago bumaba sa taxi. hindi nila alam na ang driver ko ay isang police, Bali binayaran namin ang taxi Para sa gagawin namin ngayon.

Umalis namn agad ang taxi Para hindi sila maghinala, Alam naman namin na simula kanina ay may mga mata nang namasid sa gawi namin, susundin ko lahat ayon sa Plano. Hinding - hindi ko ipapakita sa kanila ang kahinahan ko.

Pag apak ko sa harapan ng sirang pintuan ay may lalaki ng lumabas doon, Alam Kong kanina pa niya ako nakita Kaya hindi na ako magtatakang  alam niyang parating na ako.

"Pasok kana!" Sabi nito Kaya sinunod ko naman.

"just act normal honey, naka monitor lang kami sa iyo. Don't worry, nasa malapit lang kami."

Hindi naman ako umimik hanggang hindi kami makarating sa loob ng building. Palihim Kong sinuri ang lugar at talaga namang napaka luma na ito.

"Sigurado ba kayong nandito ang mga anak ko?, I want to hear their voices first. Bago ko Ibigay ang Pera sa inyo ay Pakawalan nyo agad sila". Sabi ko sa lalaking kasama Kong pumasok.

Agad niyang sinenyasan ang Isa pang lalaki,hindi agad ako nakapag Salita sa nakita Kong kalagayan ng mga anak ko.

Nakatali sila sa mga upuan at may takip ang mga bibig nila, bigla akong napahiyaw sa iyak sa kalagayan nila.

"Mga walang hiya kayo!!!!! Pakawalan nyo sila!!!!, Parang awa niyo na!!!!." histerical kong Sabi sa kanila.

"ibigay mo muna ang Pera bago namin sila kalasan!."sabi ng nasa tabi ng mga anak ko, sa taranta ko ay agad Kong ibinigay ang Pera.

Pagkaabot ko sa pera ay tinatanggalan na nila ng tali ang mga anak ko Kaya agad akong napatakbo sa kanila.

Wala na akong pakialam sa kapaligiran ko, basta ang gusto ko ay  mayakap na ang mga anak ko.

"honey, stick to the plan. Distract them if you can,nakalapit na ang ibang mga kasamahan namin sa loob. Ingat kayo at 'wag mong iwan ang mga Bata."
Rinig Kong Sabi ni tey sa kabilang linya, hindi nila malalaman ang pagkakaroon ko ng connection sa kanila hangga' t hindi natatanggal ang hikaw ko. Maliit lang ito pero Rinig ko naman kahit papano.

" Halina kayo mga anak, Kaya natin lumabas dito Ok!."naiiyak Kong Turan sa mga anak ko, inalalayan ko sila, pero bago pa kami makahakbang palabas  ay may narinig akong boses ng babae sa likuran namin.

"atat ka naman 'atang Maka uwi bitch!!! Haha Sa tingin mo makaka labas kayong lahat dito na buhay? Tanga!! Hindi kita palalabasin ditong buhay, mang aagaw!!!", napalingon naman ako matapos Kong marinig iyon sa kanya. Hindi na ako magugulat Kung si Samantha ito.
Boses pa lang niya kanina ay alam Kong siya na iyon.

Tinignan ko siya ng masama at ang mga kasama niya.kung hindi ko lang hawak ang mga anak ko ay kanina ko pa siya sinugod.

"'wala akong inagaw sayo Samantha!!! Dahil wala namang kayo ni tey tsk!!.ganito ka ba kadesperada na maangkin ang taong ayaw sayo?. I pity you.... Dahil hindi ka naman gusto ng taong gusto mo. Pati mga batang walang kaalam-alam ay dinamay mo!!!, pagbabayaran mo ito Samantha!! Dahil pag ako na buhay matapos nito. Kahit patay kana... Huhukayin ko ang mga labi mo Para patayin ka ulit !!! Walang puso!!!", bulyaw ko sa kanya at hindi naman maipinta ng mukha niya ang nakikita ko ngayon sa kanya.

"Yun nga lang Kong mabubuhay ka haha!!! Bitch you don't know me, I can kill you now right in front of your kids  sa isang Salita ko lang. But  I still want to enjoy this Game more , Alam Kong nasa malapit lang  si tey. Kaya hindi ko kayo palalabasin dito hangga't hindi niya ako pakakasalan, ngayon din!!." Rinig ko ang pag mura ni tey sa narinig niyang Sabi ni tey.

Para naman akong naubusan ng lakas sa narinig ko. Agad nila kaming hinilang 3 na mag iina Papasok sa isang kwarto at tinalian sa paa at kamay, may mga nagpuputukan sa labas Kaya napahiyaw si Samantha saka sinampal ako.

Umiiyak ang mga Bata sa Ginawa sa akin ni Samantha, walang mga takip ang mga bibig namin kaya Malaya akong makapag Salita.

"ipag dasal mong hindi ako Maka Kalabas dito Samantha dahil hindi kita mapapatawad sa mga Ginawa mo, duwag!!!!", galit na Sabi ko saka dinuraan siya sa mukha. Napasigaw naman siya saka sinabunutan ako.

"ma'am marami ng namatay sa mga kasama natin, Pero marami pa naman kaming natitirang kasama mo."

Nanlaki ang mata ko matapos Kong makita ang inilabas ni Samantha sa bag niya.

Baril ito! At agad niyang in-load saka itinutok sa akin.

"hindi ako papayag na mabubuhay ka bitch!!", Nanginginig naman ako sa takot sa Ginawa niya.

Katapusan ko na ba ngayon?...
Sabi ko saka napalingon sa mga anak Kong umiiyak.

  TO BE CONTINUED....

One Night Stand with  Strangerحيث تعيش القصص. اكتشف الآن