Chapter 55: So Desperate

Start from the beginning
                                    

RING!

Napansin kong nakatingin silang lahat sa aking kinaroroonan.

"Your Highness. Kanina pa po tumutunog ang cellphone niyo." Agad ko namang ipinakuha kay Ate Umi ang cellphone ko.

"Excuse me." Tumayo ako nang maiabot sa akin ni Ate Umi ang cellphone ko, tiningnan lang ako ni Ma'am Vel habang abala naman si Shaine sa paghahain ng desserts ng girlfriend niya. 


Lumabas ako ng dining area upang makausap ng private ang nasa kabilang linya.

"Yes hello?" Sambit ko habang nakatapat sa aking tainga ang speaker ng cellphone.

"Really? Thank you so much."

"I don't think so for now, maybe tomorrow morning I will inform you about that, okay?"

"Yes, thank you."

"Bye." Pagkatapos makausap ang tumawag sa akin ay agad din akong bumalik sa loob ng dining area.

"Princess wala po sa schedule niyo ang incoming call na 'yon."

"Don't worry Jeyya, si Mariel lang ang tumawag sa akin. It's not part of your job to take note of the incoming call when it comes to my personal stuff and I have already discussed that, right?" Pansin kong nagkatinginan si June at si Ma'am Vel sa sagot ko kay Jeyya na katatapos lang kumain.

"I'm done, thank you for the food. I will take a rest now." Pagkasambit ay sumunod sa akin si Ate Umi at si Manang Kera.

"Manang Lou and Maliya, take your rest. I need your presece tomorrow morning." 

"Yes Your Highness." Sabay na sambit ng dalawa nang mapansin ko na susunod pa sana sa aming tatlo paakyat sa kuwarto ko.

.

.

.

Aria's POV

"Miss Rosales may naghahanap po sa inyo." Hindi ako pinansin ni Leyla sa halip ay patuloy pa rin sa pagtatype sa keyboard ng computer niya.

Magmula ng hindi ako siputin noong araw na may meeting siya with Mr. Solis upang ihatid ako ay hindi na niya ako nagagawa pang pansinin. 

Bukas ay may vacation trip ang kompanya namin bago umalis ni Mr. Solis patungo sa Europe upang umattend ng fashion show, kasama niya si Leyla at si Mocha kaya for sure ako na naman ang iaassign ni Mr. Solis sa pending documents namin this month.

Napagdesisyunan ko na lang na lumabas ng office room ni Leyla  upang kausapin ang bisita.

"Miss Guevara hindi pa ba makakalabas si Miss Rosales?"

"Pasensya na po Sir Fernandez, may tinatapos lang po si Miss Rosales." Sagot ko sa bisita ng kompanya namin.

"Mr. Fernandez please come in." Hindi ko na nilingon pa ang pinanggaling ng boses na iyon mula sa aking likuran.

"Akala ko ba may tinatapos ka pa?"

"Ha? Sino ang may sabi?"

"'Yung assistant mo?"

"Assistant?" Ramdam kong may mga matang nakatingin sa akin mula sa likuran ko sa mga oras na iyon at alam kong si Leyla iyon. 

"Tss. Hindi ko 'yun assistant, ordinary employee lang 'yon dito." May bigla akong naramdamang kirot mula sa aking dibdib ng marinig ang mga sinabi ni Leyla. Napalunok pa ako ng laway habang pinapatas ang mga papel na nasa table.

"By the way, bakit nandito ka? Diba ang sabi ko sa'yo ayaw ko ng makipagbalikan sa'yo?"

Hindi ko na makayanan pa ang mga naririnig ko kaya lumabas na lang ako sa mismong office at tumungo sa pantry upang magtimpla ng kape.

Unexpected RoyalWhere stories live. Discover now