Prologue

541 11 0
                                    

"Let's party!!!" sigaw ko at nakihalubilo sa mga taong nasa dance floor.

Siguradong madami na akong na-inom dahil sobrang hyper ko na at medyo malakas na ang boses ko.

"Zyrill, let's go" sabi nang isang pamilyar na lalaki at hinila ako mula sa siksikan.

"Close tayo? Maka-hawak ka ah" sabi ko at inalis ang kamay nya na naka-hawak sa akin.

"You want to drink? Then fine, sasamahan kitang uminom" sabi nya at hinila ako sa bar counter.

Umupo ako sa high chair at um-order nang isang shot ng Tequila tsaka isang bote nang Jack Daniels.

"Ano nga pa lang pangalan mo?" tanong ko at lumingon sa lalaking humatak sa akin kanina mula sa dance floor.

"Drace" naka-ngising sagot nya at tinignan ako.

"Katunog ng pangalan mo yung name nang ex-suitor ko, pero mas pogi ka doon don't worry and gago kasi 'yun pag-pustahan ba naman 'yung pinsan ko ehh kaya ayun binasted ko" sabi ko at tumawa pero yung tawa ko ay pang-lasing na talaga.

Nang inilapag nang bartender ang mga order ko ay agad kong ininom ang shot nang Tequila.

"That was straight" manghang sabi nya at uminom nang wine.

"Natuto lang naman akong maglasing ng todo dahil doon sa walang hiyang kapangalan mo pero buti na lang binigyan nya ako nang rason na i-reject sya at wala na 'yung pinsan ko nang dahil sa kanila napa-uwi tuloy sa ibang bansa si Yanna mga walang hiya talaga" sabi ko at nag-salin nang Jack Daniels sa glass tsaka ito ininom.

Hindi na ulit ako nag-kwento dahil hindi ko sya kakilala at tinuloy na lang ang pag-inom ko.

"Zyrill, have you tried being married?" tanong nya bago uminom nang wine.

"Hindi pa, bakit? Gusto mo 'ko 'no?" pabirong tanong ko at agad syang tumango.

"Don't worry pogi ka naman pwede na pero may boyfriend na ako" sabi ko at tumawa.

Nakita kong nag-iba ang mood niya dahil sa pag-simangot niya.

Nakakalahati ko na ang Jack Daniels nang ayain nya akong pumunta sa VIP room. OMG! Baka kuhanin nya 'yung virginity ko!

Nang maka-upo ako sa couch ay tinanong nya ulit ako.

"Zyrill, papayag ka ba kung magpapakasal tayo ngayon?" tanong nya bago uminom nang wine.

"Sureee, pogi ka naman ehh and don't worry about my boyfriend hihiwalayan ko din sya dahil sinasaktan niya ako" sagot ko at hinawakan pa ang mukha nya.

"He did what?"
tanong niya at nanlaki ang mata niya.

"He always hurt me kapag nakikita niya akong lumalabas pupuntang bar and lagi niyang pinupuna yung suot ko even hindi naman revealing lalo na kung magba-bar ng mga friends ko lalo na kasama si Zane" sagot ko at sumandal.

"Well, gago ako kasi sinayang kita and pinaglaruan namin ang pinsan mo. Well, this time i'm not gonna hurt you" sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Huh?" tanong ko at tumingin sa kanya.

"Sabi ko, gago yung manliligaw mo na katunog ng pangalan ko dahil sinayang ka nya at napunta ka ulit sa tarantadong lalaki na naman" sagot niya at tinignan ako.

"Well, gago talaga sya" sabi ko at ngumiti ng  bitter.

"Magsimula na nga tayo" sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

Pinitik nya lang ang kamay nya at biglang may pumasok na judge na may hawak na briefcase.

Infairness! Mukhang makatotohanan na papakasalan nya talaga ako and gusto ko nang makatakas mula kay Rashid.

May pinapirmahan sila sa akin dahil lasing na ako ay pinirmahan ko na lang at bigla akong hinalikan ni Drace.

"Send me the copy pagka-print tommorow and thank you, Tito" sabi ni Drace at biglang lumabas ang judge.

Napahiga ako sa couch dahil bumabagsak na ang mga talukap ng mga mata ko.

"I guess my Mrs. Ayala is sleepy" sabi nya at binuhat ako na parang sako.

Nakarating kami sa parking lot at ipinasok nya ako sa isang silver na sasakyan.

Naka-upo na ako sa front seat at sya naman ay papasok pa lang sa driver seat.

"Drace, kiss me. I-I like it when you're kissing me" sabi ko nang makapasok sya sa driver seat.

"You sure?" tanong nya at agad tumingin sa akin.

"Ye–" hindi ko na natuloy ang sagot ko nang bigla nyang hablutin ang mukha ko at agad akong hinalikan.

He kissed me softly first then he deepen it.

"Hmm, Drace" mahinang ungol ko at bigla nyang winarak ang dress ko kaya agad ko syang natulak.

"That's for tonight and sorry for being wild" rinig paliwanag nya at hinubad ang coat nya tsaka itinaklob sa dibdib ko.

Kinabitan nya ako nang seat belt bago paandarin ang kotse nya paalis sa parking lot nang bar.

Next thing i know i'm in a room sleeping peacefully with a man i met in bar and the man who will change my life.

:)

Make Her Fall Inlove (South Series #4) (Completed)Where stories live. Discover now