CHAPTER VIII RIGHT THINGS

Beginne am Anfang
                                    

"Sir... I.."

"You don't need to say anything..It's okay. Gusto ko lang malaman ng babae na minsan ng nangako ang anak ko sa harap ng Diyos at ayokong masira yon dahil lang sa isang maling desisyon. Di ko sinasabi na mali ang umibig...kahit kailan hindi mali yon. Gusto ko lang maging tama ang desisyon ng anak ko. Yon lang.."

Hangin.

Boses.

Yon lang ang kailangan ko. Pero wala akong mahanap. Wala yon sa mismong pagkakataon.

Tumayo siya at inabot ang kamay niya sa akin.

"Thank you for your time Ms . Lopez"

Wala akong lakas para abutin yon. Di ko kayang gumalaw. Then I feel his warm palm on my head tapping it gently . After that, I heard his steps away towards the door.

Naupo si Tatay sa upuan na iniwan niya. Puno ng pag aalala ang mga mata. Para akong iiyak pero pinigilan ko . Hindi ako ang babaeng yon. Hindi para sa akin ang mensaheng yon.

"Okay ka lang? Kaya mo yan.."

Tumango ako at pilit na ngumiti. Oo.Kaya ko to.

"bilis mag aalas nuebe na.."

tugon ulit ni Tatay at sumunod na ako sa kanya. His Dad was right whoever that girl is she need to do the right thing. Even if that girl was me .

Ganun pa rin ang routine. Naupo sila sa pwesto nila. Nagtawanan. Dinala ko yong kape. Pinagkaisahan ako at iniwan ko na sila. Sa pagkakataong yon ni hindi ko siya tiningnan kahit pa sa malayo. Tinatagan ko ang sarili ko.

"Sabihin mo..di ba dapat alam niya.."

"Hindi na naman po kailangan."

Tumango nalang si Tatay at di na nag argue pa.

Lumapit si Zach sa akin. Tumingin siya kat Tatay at agad naintindihan ni Tatay na gusto nyang makipag usap.

"bakit?"

"okay ka lang?"

"Oo naman..mukha bang hindi?"

pilit akong ngumiti.

"Kagabi kasi akala ko magkasama kayo ni Johann.."

"Zach..ayoko na sanang pag usapan.."

putol ko sa sasabihin niya. Ngumiti siya as he understood and went back to their table. Nagpatuloy ako sa pag aayos at hinayaang matapos ang oras na yon. Naririnig ko man ang pangalan ko, hindi ko na yon pinansin pa.

Kailangan kong manindigan. Kailangan magmatigas.

It was a tough day for me again. Maaga kaming nag close dahil sabi ni Tatay kailangan ko daw magpahinga. Pagkatapos kong dumaan sa grocery na hindi ko nagawa kahapon, dumeritso ako sa bahay.

He was there. Standing in front of my door. His hands on his pocket and tapping his right foot on the ground. Huli na ng maisipan kong bumalik. Nakita niya na ako at nakangiti na siyang lumapit sa akin .

Buong araw kong di nakita ang ngiti niya at di ko akalain na parang sabik na sabik akong makita ito ulit. I sighed deeply and waited.

"Hi.."

he said na parang paos.

"Hi.."

sabi ko rin.

"Im sorry..about kagabi.."

"Johann..please tama na..Naguguluhan na ako . Hindi ko na gusto ang nangyayari. Nahihirapan na akong mag adjust. Mali na kasi. Hindi na tama lahat. Kaya pwede tama na? Kasi nakakatakot eh.Hindi ko alam kung ano ba gagawin ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa nararamdaman ko. Kaya pwede tama na.Tama na.."

Ang bawat bigkas ko ng salita ay katumbas sa bawat pintig ng puso ko at sa pagpigil ko ng luha ko. Hindi. Hindi ako iiyak sa harap niya.

"Papasok na ako at sana bumalik ka na rin sa loob. "

I passed through him. He didn't moved. He remained on that spot not saying anything. Ang mata niya lang ang gumalaw ng pinanood niya akong tuluyang magsara ng pinto.

Kung may isang bagay sa mundo na ayokong maramdaman. Ito yon. To do things that was opposite to what my heart telling me to do. The guilt. The regret. The longed of going back outside and tell him how I feel. That feeling that I held in. Feeling that need to be gone.

Hearing the sound of his steps fading away. I shouted my heart out until my throat hurts.

Telling myself.

I just did a right thing as what his Dad want me to do.

LOVING A SEMINARIANWo Geschichten leben. Entdecke jetzt