Chapter 1

73 28 4
                                    

Chapter 1: A Tragedy 


IVY'S POV


Isang pula at asul na ilaw ang humagip sa mga mata ko at ang ingay na mula sa sirena ng ambulansya habang nakadungaw sa may veranda ng room unit ko. 

Nag katitigan naman kami ni -hindi ko kilala kung sino ang pangalan sa mga mata. Hindi ko nais na isipin niya na pina paalis ko na siya, talaga na nag aalala lang ako sa kalagayan niya. Napa buntog hininga na lang ako ng hindi pa rin niya ako kinibo. Isinara ko ang pinto ng veranda at kinuha muna ang manggas na nakasabit sa tabi nito at pinalitan ang jacket niya na sout ko kanina. Itinuon ko sa pag su-suot ng maayos ang atensyon upang itago ang mga mantsa ng dugo na lumikha sa uniporme ko'ng suot.

"Iwan muna kita."

Nakiramdam lamang siya at hindi lumingon sa gawi ko. Nakatuon ang atensyon niya sa isinuot ko'ng damit.

"Labas lang ako saglit." 

Sinulyapan niya ako saglit at agad na ibinaling sa iba ang tingin. Tumalikod na ako at hindi na lumingon pabalik sinimulan na buksan ang pinto ng room at lumabas. Dahil nasa ikatlong palapag ang room unit ko at hindi uso ang elevator sa subdivision na ito ay medyo binilisan ko na bumaba. 


TAHIMIK ang paligid dahil sa mag ha-hating gabi na rin ng huli ko'ng masulyapan ang orasan mula sa guardhouse kanina bago kami nakarating. Matatawag na private-inn ang subdivision kung saan ako ngayon nanatili sa itsura pa lang ng exterior facade at pag dating sa security ng gate. 

Kina ilangan na lakarin ko ang layo mula sa binabaan ko papunta sa gate.

"Miss Ivy natutuwa ako na andito ka na! Mukhang kayo po ang hinahanap."

Ningitian ko naman ang bagong hired night duty guard at kinausap kung bakit natagalan ako kanina. Ipina alam ko rin na hayaan papasukin ang sasakyan. Tungkol kanina, hindi kami nahirapan mai-pasok ang sasakyan dahil hindi na kailangan i-check pa kapag in-service ito mula sa subdivision. Isa pa ibinaba naman kanina ng driver ang salamin ng driver's seat at kina usap si Mang Jed. Iba naman kapag nasa loob ka ng subdivision at nasa mismo ka'ng room mo dahil meron parang device na konektado sa room unit para i-allow ang gate na i-open via air bluetooth access kapag may bisita ka na nais pa-pasukin sa loob. Subalit kina-kailangan pa rin dumaan kay Mang Jed o Mang Ben upang makapag logged-book. Kung si Mang Rolan pa rin sana ang night-guard, marahil ay ipinapasok na nito ang sasakyan na nag hi-hintay sa akin sa labas. Kilala na niya ang sugid na nagpupunta sa akin at hindi na nag hihigpit pa. Ayos naman ang bisita na manatili o kahit mag stay-in kailangan lang ng ilang detalye at sumunod sa house rules.

"Papasukin mo Mang Jed."

Tinungo naman ni Mang Jed ang gate para pag buksan ito. Maya-maya nakilala ko agad ang nasa driver's seat, ningitian ko ito at kasabay na kinawayan. Natuwa si Vincent sa ginawa ko. Ng huminto at bumukas ang back door ng sasakyan ay si Sarah agad ang bumulaga sa akin ng may bahid ng pag aalala sa mukha. 

"Ivy! Anong meron sis?! Mukhang okay ka naman!! Ano kailangan mo bang i-admit?! Ikaw ba ang pasyente teh?!" 

Natawa naman ako sa uri ng pag salubong niya.

"Sira! Hindi no'!  Halos mag kasama lang tayo araw-araw sa station tapos itatanong mo ako ba ang pasyente?"

Book 1 Series: Dear Closest Hardest ClosureDove le storie prendono vita. Scoprilo ora