Chapter 45: Teams who Overcome

Beginne am Anfang
                                    

"Hindi ka pa nasanay." sabay na sabi ni Gavin at oli.

Grabe! Ganoon ba kababaw ang tingin nila sa amin?

"Siya nga pala, Dion, nag-chat sa akin si Ayame kanina. Ginu-goodluck tayo sa match." sabi ni Axel na kumakain sa hindi kalayuan.

"Nag-chat din sa akin, hindi ko nga alam kung paano noon nahanap 'yong  Twitter ko." parehas kaming napatingin kay Oli noong napaubo ito. "May kinalaman ka rito, Oliveros?" tanong ni Dion.

"Well, she just asked. Binigay ko lang naman ang Twitter account mo since bagong gawa." Originally kasi, walang Twitter si Dion dahil ang toxic daw. Pero ginawan ko pa rin siya, kasi hello! Ang saya kaya magbasa ng mga bardagulan sa Twitter.

"Oh, who's that Ayame ba?" I asked while grinning. Ready na ako asarin si Dion.

"Nakasama namin ni Dion sa playoffs last year." paliwanag ni Captain. Sinabi niya rin na ang playoffs ay iaang event na kung saan nagsasama-sama sa game ang mga streamer, popular players, professional players, at ilang mga artista para maglaro to entertain Hunter Online fans.

"Kaibigan lang." sabi ni Dion at inubos na ang pagkain niya.

Napangisi ako. "Bakit defensive ka? Wala naman akong sinasabi."

"Kilala kita. Ngiting judgmental 'yang nasa mukha mo ngayon." naiiling na sabi ni Dion.

"Milan, anong masasabi mo kay Ayame?" tanong ni Liu habang mabusisi akong tinitingnan ng singkit niyang mata.

"Wala." I answered honestly. "Hindi ko pa nga siya kilala personally, eh! Sabi ko nga kay Dion ay ipakilala niya ako para naman may kasama na ako sa pang-aasar sa kanya."

"Hindi ka man lang ba nakaramdam ng selos? Kahit kaunti lang?" tanong naman ni Gavin.

"Ha? Bakit naman?" I curiously asked at naalala ko na naman 'yong Million thingy again. "Ayan na naman kayo sa shipping-shipping ninyo! Magkaibigan lang kami ni Dion. Ako 'yong nawi-werd-an sa idea na magiging boyfriend ang isa sa inyo. 'Di ba, Dion, magkaibigan lang tayo?"

Napatingin ako kay Dion at mahinang tinapik ang kanyang braso.

"Ah... Oo, friends." tumingin sa akin si Dion at ngumiti. "Friends lang."

Hindi ko alam kung bakit biglang natahimik ang lahat at nagkakatinginan sila. "K-Kumain na tayo, the best pa naman 'tong Bistek na luto ni Manang Martha." Si Kendrix ang bumasag sa katahimikan.

Matapos naming kumain ay nagtipon-tipon kami para makinig sa ipinapaliwanag ni Axel. Lahat ng match namin ay mangyayari ngayong araw kung kaya't mabilisang pagpaplano ang dapat naming gawin.

"No Mercy Esport is a pretty tough opponent. Wala tayong idea sa kung anong ipakikita nila pero keep an eye kay Geecko, he is a good assassin. Maliwanag ba?"

"Yes, Captain!" we answered in Unison.

"Oli, unahin mo 'yong support nilang si Dark_Matter, he gradually increased the speed of his team mates kapag gumagamit siya ng skill. Delikado tayo doon." napatango-tango kami sa sinabi ni Axel. "We will stick to our original lineup for now since noong game one lang naman natin ito ginamit. This is the safest lineup for now."

Our discussion was interrupted noong may staff ulit na kumatok at binuksan ang pinto.

"Our game will start in 20 minutes, ready na po tayo." she said at tumakbo na para kausapin ang ibang team.

Sobrang bilib ako sa mga staff nitong Summer Cup na ito. Aligaga na sila sa dami ng nangyayari ngayong araw at ang dami nilang dapat asikasuhin pero maayos pa rin ang treatment nila sa amin.

Hunter OnlineWo Geschichten leben. Entdecke jetzt