1: Oryentasyon

9 2 0
                                    

1: Oryentasyon

Teigan's

"Alam mo pre, feeling ko may gusto sayo yung transferee na yun?" Turo ni Den sa grupo ng mga estudyante habang hinihintay naming dumating yung Teacher.

"Kanina ka pa nga sinusulyapan niyan eh" Sabi naman ni Cuaton kaya tinignan ko na kung sino 'yon.

Pagkalingon ko ay wala naman akong nakitang nakatingin sa'kin kaya muli ko silang hinarap.

"Saan?"

"'Yung mataba!" Bulong nilang dalawa sa akin.

"Saan ba?"

Tumingin ulit ako at nahuli ko na may tumitingin pala talaga sa'kin. I only saw a glance of her face kasi mabilis na nag-iwas ng tingin.

"Kita mo na?" Tanong ni Cuaton sa'kin.

"Hindi masyado eh" Sagot ko sa kanya.

"Papatulan mo ba yan?" Pagbibiro ni Den kaya tinignan ko siya.

"Orientation pa lang, puro kalokohan na agad nasa isip mo" Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko.

"De, pano nga kung isa sa inyo ang mahulog sa isa't-isa?" Muli niyang tanong.

Huh?

"Hindi mangyayari yon. Nandito ako sa School para mag-aral, hindi para lumandi"

Big words"

"Sige pre, sabi mo eh" Sabi niya.

"Uyy! may nagseselos!" Sabi ni Cuaton habang nakatingin kay Nov na katabi ko ngayon.

"H-hindi ahh..." Sabi ni Nov habang nakatingin sa'kin.

Sa sobrang close namin ni Nov eh napapagkamalan kaming mag-jowa minsan. Ang komportable lang namin at minsan naman ay may pagka-clingy kaming dalawa.

"We're just friends" Sabat ko habang nakatingin sa pinto.

"With benefits?" Singit naman ni Daisy at umupo sa tabi ni Nov. Isa pa 'tong babaeng 'to.

"Hindi ba pwedeng sobrang close lang namin?"

"Ganon na rin 'yon pre" Sabi ni Den.

"Oo na lang ako" Sabi naman ni Cuaton.

"Friends with benefits is normal. Binibigyan niyo lang talaga ng ibang meaning 'yon. Ayan ang hirap sa inyo eh, kahit mga maliliit na bagay, binibigyang kahulugan niyo."

Natahimik naman sila sa sinabi ko habang tumingin sa'kin si Nov. I smiled at her at ngumiti siya na parang sinasabi niyang 'Salamat'.

Di na ko nag-focus sa intro ng mga kaklase ko kasi mga kilala ko naman na sila, except dun sa mga bago.

"Next!... Santos" Sabi ni Miss habang nakatingin sa laptop niya.

"Hi? I'm Teigan Santos, you can call me Tei" I said while smiling and scanning the new ones.

Ang onti lang nila pero mukhang mga magkakilala na. Maayos naman ang tingin nila sakin, except dun sa isa. Yun ata 'yung kanina pang tumitingin sa'kin.

"Hobbies?" Sabi ni Miss na nakatingin parin sa laptop niya at paminsan-minsan ay sumusulyap sa klase.

"Playing musical instruments and writing" Sabi ko at pinaupo na ko ni Miss.

Du har nått slutet av publicerade delar.

⏰ Senast uppdaterad: Jul 09, 2021 ⏰

Lägg till den här berättelsen i ditt bibliotek för att få aviseringar om nya delar!

May AkdaDär berättelser lever. Upptäck nu