Parang aso't pusa. Yan sina Stella at Zandro. Walang pagkakataon na di nagbangayan ang dalawa tuwing nagkakatagpo. Pero dahil sa aksidenteng pagkatuklas sa secret crush ng bawat isa ay nagkaroon ng truce ang dalawa. Si Stella may gusto kay Bryan. Si Zandro may gusto kay Loraine Since magkaklase si Stella at Loraine, magkaibigan naman si Zandro at Bryan ay napagkasunduan nina Stella at Zandro na tulungan ang isa't isa. Iyon ay kahit na bad trip sila sa isa't isa at madalas mag away at asaran. Ang plano ay tulungan ang bawat isa na mapalapit sa taong gusto nito. Pero ang sabi nga ay mapaglaro ang tadhana. Paano kung magising na lang sila isang araw na ayaw na pala nilang mapalapit sa iba ang isa't isa? Subaybayan ang nakakakilig at nakakatawang istorya nina Stella at Zandro ^^ ~ Miss_Sassy_07