"Noon, akala ko, mabigyan ko lang ng maayos na pamumuhay ang pamilya ko, masaya na ko. Akala ko, matugunan ko lang ang mga pangangailangan nila, kontento na ko. Pero nagbago ang buhay ko, nang dumating siya. May nag-iba. Mas masaya, mas maligaya. Naging mas makulay, mas nagkabuhay. Ngunit di ko inaasahan, ang bawat saya ay may kapalit pala. Ang bawat pagtawa'y, kapalit ay pagluha. Ang bawat kakiligan, ay may kapalit na kalungkutan. At ang happy ending na inaasam, Hindi makakamtan kailanman. Ngunit ang nalalabing pag-asa sa puso, hindi kailanman isusuko. Hanggang sa muli, mahal ko." ♥ Brittany San Jose