Anong gagawin mo kung isang araw ay namalayan mong ikaw ay nagiba na ngunit nanatili sa kapaligirang kinalimutan na ang pagbabago? Gumising sa panaginip. Mangibang bansa para sa kinabukasan ng pamilya. Para sa sarili. Para sa bayan. Mga kuwento na hinango sa karanasan ng isang OFW sa Kanlurang bahagi ng mundo ang siyang handog. Tumawa o mainis. Magalit kung iyan ang ikasasaya. Makibahagi sa buhay na malayo sa kinagisnang bayan. Ang hibla ng mga kuwento ay patuloy na hinahabi . . . nangangarap sa bawat sandali.