Masaklap ang dahilan ng paghihiwalay nila ng dating nobyo kaya naman napagpasyahan ni Olivia Marie Dominguez o kilala sa pangalang Olivia, na pumunta at uminom sa isang sikat na bar. Doon niya nakilala si Akihiro Ryu Montereal o Ryu na naging dahilan ng pagsuko niya sa pinakaiingat ingatang pagkababae. Matapos ang pangyayaring iyon ay pilit na kinakalimutan ni Olivia ang pangyayari, nang biglang dumating ang lalaki sa kanilang eskwelahan na nagpakilala bilang instructor nila at doon muling nagtagpo ang landas ng dalawa. Ano nga ba ang mangyayari kapag nalaman ng gwapong guro na isa siya sa mga babaeng nakasiping nito? MY SEXY PROFESSOR (Montereal Series #1) By: Missietannie (c) All Rights Reserved