Prologue: Salt and Pepper. Hindi ko alam kung anong brand ng katol ang nasinghot ng magulang namin at ganyan ang pinangalan sa amin. Mukhang hindi nga pinag- isipan at nakuha lang sa cooking book. Anyway, ako nga pala si Pepper Santillan. Isang grade twelve student na ang tanging hiling ay magkaroon ng katahimikan sa buhay, yung walang mambubwisit tuwing gigising at bago matulog pero parang imposible kasi iyon lalo na at magkasama kami sa iisang bubong ng nag iisang taong kinaiinisan ko sa buong buhay ko at iyon ay si Salt Percy Mendez. Bata palang kami ay magkasama na kami sa bahay. Yung Mommy nya at Mama ko ay magbestfriend. Anim na taong gulang ako ng mabyuda ang Mama ko at Anim na taong gulang din si Salt ng malaman niyang pangalawang pamilya sila. Simula noon ay nagdesisyon sila na tumira sa iisang bahay at bata palang kami ay lagi niya akong pinapaiyak at iniinis hanggang ngayong malaki na kami. Ano kayang gagawin ko para tigilan na niya ako sa pang iinis?