Nakaugalian na ni Yohanna na gumawa ng love letter sa bawat lalaking naging crush or minahal niya. It's her way of expressing her feelings because she doesn't have the courage to confess. After niyang magsulat ng letter lagi niyang tinatago ang mga ito sa isang kahon kung saan nakalagay din ang ibang importanteng bagay. Hanggang isang araw ay natuklasan niyang nawawala ang mga love letters niya at nagsimula rin siyang makatanggap ng sulat mula sa di nagpapakilalang tao. Ano na ang mukhang ihaharap niya sa mga lalaking sinulatan niya ng love letter? At sino kaya ang nagpapadala sa kanya ng mga sulat? At para malaman niya kung sino si mysterious guy ay pinatulan niya ang offer ni Ridge na magpanggap silang couple. Kaso may problema, si Ridge ang first heartache niya at nangako siya na di niya ulit ito mamahalin. Pero bakit bumibilis ang tibok ng puso niya sa tuwing tinitignan siya nito.