Posible bang bumangon pa ang isang patay mula sa hukay niya dahil lang sa pangungulila ng kanyang anak? Isa lang siyang simpleng tao na walang ibang hangad kundi simpleng buhay. Pero magbabago ang lahat dahil sa isang pangyayaring magnanakaw ng lahat sakanya. Makikilala niya ang nilalang na magpapakilala sakanya ng tunay niyang katauhan, na hindi siya isang ordinaryong tao at nabibilang siya sa mundong nakatago sa kasalukuyang mundo niya. Mahahanap niya kaya ang susi para mabawi niya ang dapat na sa kanya? Paano kung mayroon pala iyong kapalit? Paano kung buhay ng mga inosenteng tao ang dapat na mawala para makuha niya ang susi?