Maganda, Matalino at Mabait pero simpleng babae lang siya at simple lang ang gusto niya sa buhay. Tahimik ang kanyang mundo ng halos labinwalong taon kasama ang pinakamamahal na mga magulang...sina Cresilda at Herman. Hanggang dumating ang araw na hindi niya inaasahan...ang katotohanang kanyang natuklasan. Sa mismong ika-labinwalo niyang kaarawan. Dito nagsimulang gumulo ang buhay ni Rosalinda Villamar Perez. May pag-asa pa kayang magbago ang kanyang kapalaran?