Sa mundong 'to, may isang taong nakatadhana para sa bawat isa satin Pero pano nga ba natin malalaman o masasabi na yung taong kasama natin ngayon, eh, yun na yung nakatadhana sa atin? Pano natin sila makikilala? San natin sila mahahanap? Kailangan pa bang tayo maghanap sakanila? O, baka naman kailangan na lang nating hintayin yung taong yun na kusang dumating sa atin? Paano kung yung taong yun, hawak mo na pala? Pero sa di inaasahang pangyayari, pinaglaruan kayo ng tadhana at bigla syang nawala sayo? Hahanapin mo ba sya? O, hihintayin mo na lang ang pagbabalik nya? Pano kung napagod ka na? Tatanggapin mo pa din ba sya kung sakali mang magbalik sya? O, tuluyan mo nang tatalikuran yung katotohanan na sya yung taong sayo'y itinadhana?