"Buti pa ang math. Kaya mong sagutin agad-agad. Eh ako kaya? Buti pa ang journal mo, lagi mong pinagtutuunan ng pansin. Eh ako, wala. Dedma. Airah, mahal na mahal kita. Kung sa Monteverde High ay ikaw ang prinsesa, sa buhay ko ay ikaw ang reyna. Sana mabasa mo ito sapagkat ako'y may balak nang ligawan ka." Yan ang nabasa ko mula dun sa papel na napulot ko sa ibabaw ng upuan ko. Walang nakasaad kung kanino galing. Napakatahimik ng buhay ko sa paaralang ito. Pero magugulo ang lahat dahil lang sa isang sulat. Sulat na pwedeng bumago o sumira sa buhay ko.
3 parts