Hiyawan ng tao sa aking pandinig. Pag sigaw nila ng pangalan ko. Mga ngiti sa kanilang mga labi na alam kong ako dahilan. Masaya akong makita silang masaya para saken. Ramdam ko kung gaano nila ako kamahal. Sa pag abot ko ng mga kamay nila, ang iba ay lumuluha pa sa sobrang sayang naihatid ko. "I LOVE YOU SORA!!!" sigaw ng isa. "Susoprortahan kita habang buhay!" sigaw pa ulit ng isa. "SALAMAT! Mahal ko kayo!" sagot ko naman sa kanila at nag patuloy ako sa pag kanta. Kumanta lang ako hanggang sa makakaya ko. Kumpas ng kamay dito, kumpas doon. Damang dama ko ang ginagawa ko, dahil mahal ko ang trabahong ito.