May isang binata na pinapangarap maging star player ng NBA. Hindi ganoon kadali ang buhay at hindi pang center o forward ang height nito pero may natatangi siyang galing, ito ay ang pagco-CROSSOVER! Pero puro street basketball o larong kalye palang ang nalalaro ni Kurt sa kanyang buhay. Wala pa siyang experience sa paglalaro ng mga officials na basketball games sa iskul man o sa bayan nila pero hindi pa rin siya sumusuko sa pangarap na gusto niyang tuparin kahit anong mangyari.