Isa lang naman ang pakay ni Samuel. Iyon ay ang magpapansin sa babaeng akala mo batas kung umasta tuwing flag ceremony sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan kay Jason. Ngunit lingid sa kaalaman ni Samuel na ang simpleng pagpapapansin ay magiging paraan upang kanyang mabawi ang bagay na matagal na niyang sinukuan. Nang dahil rin sa pagkakaibigang ito, kahit na napilitan lamang siya noong una ay unti-unti ring naging bukas si Jason sa maraming bagay na minsan na niyang tinanggihan. A story of dream, passion and friendship. A story of discovery. A story of growing up.
9 parts