Batid ni Prinsipe Calix ang umiiral at bulok na sistema ng kanilang Imperyo sa ilalim ng pamumuno ni Haring Caliv. Ramdam niya ang paghihirap ng bawat mamamayan maging ng ibang nilalang na siyang namamalagi sa kanilang kaharian. Hindi man niya nais na maging bulag at bingi sa pagtatangis ng lahat dulot ng baluktot na pamumuno ng Hari ay nais niyang gumawa ng hakbang upang maibsan ito at muling huminga ng kapayapaan para sa lahat. Kaya sa pagpunta niya sa Pilipinas ay doon niya nakilala ang isang natatanging babae na siyang nagpatibok ng kanyang puso; Si Helisha Thania- isang Binibini na siyang una niyang inibig. Maging daan o solusyon kaya ito upang makamit ni Prinsipe Calix ang minimithing kapayapaan para sa lahat o magdudulot lamang din ito ng hinagpis at kasawian?