" Ang babaeng 'yan!" nanginginig ang boses ni isay sabay turo sa painting. Agad namang nilingon ni Arnold ang painting." Si Belinda yan! Ang ex-wife ko." "Arnold di ko alam kung paniniwalaan mo ako! Pero dalawang beses ko na siyang napapanaginipan at sa panaginip ko'y pinapatay siya ng isang babaeng naka-gown. " " Ano bang pinagsasabi mo? Eh mga kidnappers ang pumatay kay Belinda. Malabong mangyari ang sinasabi mo, ni hindi nga kayo magkakilala. ni Belinda." "Ewan ko! Hindi ko alam! Pero sigurado ako na siya talaga yong babae sa panaginip ko." "Kabaliktaran lang ang panaginip, isay. Puwedeng totoo, puwede rin hindi. Kalimutan mo na lang 'yon." Si Belinda-ang yumaong asawa, si Arnold-ang biyudo, at si isay -ang bagong girlfriend. Ano ang misteryong bumabalot sa pagkamatay ni Belinda at bakit kaya ito napapanaginipan ni isay? Magagawa bang protektahan ni Arnold si isay sa kamay ng mga taong sumira ng buhay nila ni Belinda? O mapapahamak lamang ito gaya ng nangyari sa kanyang unang asawa? Ano anong mga rebelasyon ang mabubunyag kay isay sa oras na maging kabiyak na siya ni Arnold? Sila ang mga karakter na magpapakilig, mananakot at magpapaiyak sa nobelang ito na bunga ng malawak na imahinasyon ni Kuya Kilabot..... Start writing July 2021.. Finish writing May 2022..
26 parts