By: Carmsarcasm (THTA) Aianny Marricot Everdawn- Tagapagmana ng Royale Pharmaceutical Company. Mayaman, gifted at maganda. Ang pride ng Summerfields Academy dahil sa angking talento sa pagpipinta. Palaban at hindi nagpapatalo. Zac Martin Saragosa- Laki sa hirap. Madiskarte sa buhay at katulad ni Aia, buhay nya rin ang pagpipinta. Magsasama sa iisang paaralan. Magiging magkakumpetensya. Para sa pangarap. Malayo kaya na sila'y magkagustuhan? Paano makaaapekto sa buhay nila ang isang nagdaang araw? Pagsisisihan ba nila ang kanilang pagkakakilala o ang kanilang paglayo? Paano nila haharapin ang hamon ng oras at panahon? -MARTES