Si Harriet Evangelista ay isang head researcher sa isa sa pinakakinikilala at kalaunan ay naging pinakakontrobersiyal na research facility sa mundo matapos nitong matuklasan ang labi ng isang kakaibang nilalang. Nilalang na ang akala ng karamihan ay sa panaginip at mitolohiya lang matatagpuan. Ang pagkatuklas sa nasabing labi ay pumukaw sa atensyon ng mga ganid at mapagsamantalang tao. Lahat ay nasabik sa posibiladad na masaksihan ng personal ang mga nilalang na siyang kahati ng sangkatauhan sa daigdig, at ituring ang mga itong atraksyon, o isalang sa mga eksperimento. Sa gitna ng kaguluhan at peligro ay desidido si Harriet na isalba ang mga nilalang ng karagatan, hindi lamang dahil sa ito ang nararapat gawin kundi isa sa mga ito ay kaniyang minamahal.