Ang bigat sa dibdib na gumising na ipinamumukha sa'yo na wala kang kuwenta. Kulang na lang hilingin na sana mawala ka na dahil isa kang malaking tinik sa pamilya. Ang hirap huminga sa mundong walang may pakialam sa'yo. Marami ka namang kasama pero walang araw na hindi ipinamukha sa'yo na mag-isa ka. The world is balanced but why are people not? Bakit ang unfair ng mga tao? Ang dali dali lang naman bigkasin ng salitang love, apat nga lamang na letra ngunit bakit napakahirap gawin. Napaka simple ng salita ngunit bakit mahirap ibigay sa'kin. Iyon lang naman ang gusto ko. Buong buhay ko iyon lang naman ang katangi tanging pakiramdam na gusto kong maramdaman. Iyon ang mahalin rin ako pabalik. Iyong maramdaman na mahalaga ako. Masaya sila na nag eexist ang isang tulad ko sa mundo. Walang araw na hindi ko hiniling na sana mahalin rin ako pabalik. Umabot pa sa puntong gusto ko ng bawiin ang buhay mayroon ako. Kaya ng dumating ang taong nagparamdam sa akin kung ano ang tunay na pagmamahal, kung gaano ito kasarap sa pakiramdam ay sinampal ako ng katotohanan na ang love ay hindi pala ito hinihingi o hinihiling bagkus, ito ay kusang ibinibigay ng mga taong may mabubuting puso. Siya ang nagturo kung ano ang pinaka depinasyon ng pagmamahal. Binigyan nya ako ng rason kung bakit dapat ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng kahigpitan ng mga taong nasa paligid. Kaya kung umbot man sa puntong magbago ang nararamdaman nya para sa'kin. Maglaho man ang pagmamahal nya, iwanan nya man ako, maghanap man sya ng iba. Hinding hindi ako magbabago mamahalin ko pa rin sya kahit madurog pa ako ng tuluyan. Mamahalin ko parin kahit ikamatay ko pa ito. Dahil sya ang nagbigay rason kung bakit hanggang ngayon ako'y lumalaban. He's my home, magkalabuan man, umabot man sa puntong nagkakasakitan na lamang ngunit dahil sya ang aking ligtas na tahanan sa kanya parin ako uuwi at uuwi.