A Mystery Paranormal Romance Story Si Maria Carmie Lim ay isang wandering spirit. Alam niyang patay na siya pero wala na siyang maalala sa buhay niya maliban sa pangalan niya, pero pursigido siyang hanapin ang lahat ng nawawala niyang alaala. Habang hinahanap niya ang kanyang pagkatao, dumating ang isang gabi kung saan nakilala niya ang isang taong hindi niya inaasahan. Siya si Juan Pablo Luna, isang sikat na Pinoy Pop Idol, ang nag-iisang taong nakakakita lang kay Maria. Nagpasya si Maria na hindi umalis sa tabi ni Pablo, hanggang sa nabuo ang kanilang nakakatuwa, nakakainis, at nakakakilig na love and hate relationship. Habang tumatagal ang kanilang pagsasama, napagtanto ni Pablo ang dahilan kung bakit niya nakikita si Maria. Hindi lang pala si Maria ang nawalan ng alaala, maging siya. Tutulungan ni Pablo si Maria na matuklasan ang misteryong nangyari sa nakalipas na dekada kahit na darating din siya sa puntong makakaranas siya ng panganib.
1 part