"Kahit hanggang tingin at sulyap mula sa malayo, kahit kathang isip lang na mayroong tayo, kahit papaano ay naranasan ko ang ngumiti ng tunay". Paghanga, iyon ang depinisyon ni Selayn sa nararamdaman niya mula ng makita niya si Jeremy. Sa paglipas ng panahon ay naranasan niya ang mga bagay na taliwas sa kanyang mga inaakala. Ang noo'y mapanakit niyang akda ay nagiging motibasyon na, ang pekeng ngiti'y nagiging totoo, ang di malapitang dilag ay naging maamo. Sino at ano nga ba ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito? Ang simpleng paghanga nga ba'y labis ang naging epekto sa kanya? "Ang istoryang ito ang magsisilbing ala-ala na minsan sa buhay ko ay umibig ako ng tunay".
16 parts