Buong buhay ni Jace ay naniwala siyang namatay ang ina sa panganganak. Bago namatay ang kanyang ama ay pinagtapat nito ang totoong niyang pagkatao. Buhay ang kanyang ina. Nagdesisyon siyang pumunta sa Pilipinas kung nasaan ang kanyang ina. Gusto niya itong makita at makilala, Iyon lang. Wala na siyang ibang pakay kundi iyon lang. Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob niya kay Rehan Lee, ang kaibigan ng kanyang half-brother. Wala sa plano niya ang mahulog rito knowing na parehas silang lalaki at pabalik din siya agad sa amerika. Dahil sa matinding damdaming nararamdaman niya para sa binata, nakagawa siya ng isang bagay na pagsisihan niya sa buong buhay niya.