Hindi na bago kay Zyken (o mas kilalang ken) ang iba't ibang uri ng tao, marami na kasi siyang nakakasalamuha sa kanilang eskuwelahan simula noong pumasok siya rito. Ngunit ngayon lamang sumagi sa kaniyang kaisipan ang patungkol sa isang babaeng may kakaibang persona, isa itong misteryosong dalaga na ayaw makisalamuha sa iba. Dahil sa kiyuryosidad ay nagawang tanong-tanongin ni Ken ang kanyang mga kaklase, doon na rin niya nalamang Kokomi pala ang pangalan ng babae. Tama nga ang mga sabi-sabi ng mga tao sa buong eskuwelahan, talaga ngang misteryosong nilalang ang babaeng nilapitan ni Ken. Ngunit lingid sa kaalam ng lahat ay may itinatago palang kapangyarihan si Kokomi, sa likod ng pagiging misteryoso nito at pagiging out-of place ay mayroon pala siyang itinatagong kapangyarihan, ang kapapangyarihang kontrolin ang Tubig nanagtataglay na mangamot at magbigay o magdadag ng lakas ng isang tao. Ngunit sa kabilang banda, kailangan pa nila Zyken at Kokomi na subukin ang mga nakalaang pagsubok. Hindi man makapaniwala si Ken ay kailangan niyang maniwala, dahil nasasakanya ang pagyabong ng abilidad ni Kokomi upang matulungan siya sa pag-kontrol sa kaniyang natatagong abilidad.