(Published under TBC Publications) Mga emosyong itinago para sa sarili ko, Mga salitang nabuo dahil sa mga liriko, Mga tulang isinulat hango sa musiko. Pinagsama-sama sa iisang obra sa binuo, Mga obra na hindi lang para sa mga nabigo, Ngunit may dala ring mga emosyong totoo. Ito na ang aking babaunin palagi, Mga panibagong salitang pinagtagni-tagni, Aking nakaraan at kasalukuyan ay hinabi. Sa nakaraan man ako'y naging api, Sa mga obrang ito naman ako'y nagwagi, 'Pagkat ngayo'y ngiti at saya ang aking pinili