Si Cleah Jae Concepcion ay isang psychology graduate na punong-puno ng pangarap sa buhay pero mas pinili ang maging guro at isang manunulat. Minsan siyang umibig sa taong inakala niyang mahihintay siya at nasaktan kahit hindi niya naman ito maituturing na pag-aari niya. Bitbit ang sakit mula sa nakaraan ay sinubukan niyang hanapin ang kapayapaan at paghilom sa Bayan ng Quezon. Dito niya makikilala si Loukas Advinante na susubukang kumatok at pumasok sa puso niya. Pero sadya yatang mapaglaro talaga ang tadhana nang muli niyang makita rito ang taong nanakit sa kanya labing-apat na taon na ang nakalipas. Magagawa niya kayang magpatawad at muling magmahal sa kabila ng takot na maulit ang nakaraan? Let us join Cleah Jae as she heal from the past, find herself back, and love again.
17 parts