FANGIRL SERIES #1: YOU ARE MY STAR by pinkishrose02 Mula nang mabigo sa pag-ibig, isinumpa na ni Rysemaro Cassy Trinidad (23years old) sa isang malaking tipak ng bato nang minsan silang umakyat ng bundok na hinding hindi na siya muling iibig pa. Ngunit tila yata napaglalaruan ng tadhana ang dalaga. Dahil isang araw, ay muli sila pagtatagpuin ng lalakeng kaniyang minahal noon na siya rin dahilan upang hindi na siya muling umibig-ang award-winning P-Pop Idol at Actor na si King Alvin Montemayor (25years old) na miyembro din ng isang sikat na P-Pop Boy Group sa loob at labas ng bansa. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, mabali kaya ang binitawang salita ng dalaga? Magdugtungan kaya muli ang kanilang pag iibigan kung ang binata ay may iba ng mundong ginagalawan. Maaatim kaya ng dalaga na maging Fangirl ng kaniyang ex-boyfriend nang dahil sa isang deal?