Ang Bagong Taon ay isang pangyayari na nagaganap kapag nagdiwang ang isang kultura ng katapusan ng isang taon at simula ng susunod na taon. Mayroong mga pagdiriwang ng Bagong Taon ang lahat ng mga kultura na sinusukat ang taonang mga kalendaryo. Sabi nila, kapag daw bagong taon, bagong goals na rin. Iwanan ang mga masasakit na alaala ng taong iyon at magsimula ng panibago na may ngiti sa mga labi at positibo sa buhay. Pero kaya nga ba ni Gracen at Gio kalimutan at iwanan iyong masasakit na alaalalang iyon? Paano naman 'yung mga masasayang alaalala nila? Kalilimutan na rin ba nila iyon?