Aakalaing napakaganda ng lugar na kung saan nakatira si Daria. Makikita mula rito ang mga taong masayang nakikipag-usap sa kapwa, pagbibigayan, at mga diyamante na kung saan walang sino man mula sa labas ng kanilang teritoryo ang nakakaingkin. Sa isang pagkakataon, nakilala niya ang isang lalaking nakasuot ng basahan. Sa anyo nito ay hindi sobrang layo sa kanyang kinagisnan. Ito ay kanyang tinulungan. Ngunit kapalit ng pagtulong nito sa kanya, binigyan siya nito ng isang libro at nagkaroon ng isang kakaibang kakayahan. Ito'y kakayahan na hindi ordinaryo. At sa kakayahang ito, nakita ni Daria kung ano nga ba talaga ang totoong kalagayan ng lugar at ng mga naninirahan dito.