"When a person gets hurt, there's a possibility that he or she will change." 'Yan ang biglang pumasok sa isip ni Lake Seven Arison nang mapanuod niya ang isang pelikula kung saan biglang nagbago ang ugali ng bida matapos nitong masaktan sa isang relasyon. Bigla na naman siyang nakaramdam ng pagkakonsensya dahil alam niyang may nasaktan din siyang tao. Sinaktan niya 'yung taong walang ibang ginawa kundi ang pahalagahan at mahalin siya araw-araw. Ipinagpalit niya ito sa lalaking akala niya ay mamahalin rin siya ngunit sa kasamaang-palad, ipinagpalit rin pala siya sa ibang babae. Pero paano nalang kaya kung isang araw, bigla na lang ulit magtagpo ang kanilang landas? Tapos bigla nalang niyang malalaman na 'yung pinaghirapan niyang negosyo ay posibleng mawala kapag hindi niya binalikan ang taong sinaktan niya noon? Ano ang gagawin niya? NOTE: This story is a BoyxBoy. If you're not fond reading this type of story, feel free to leave. Date Started: March 12, 2022 Date Finished: September 01, 2023