Si Maeve Kate Mason at Czhadi Reed ay parehong labing siyam na taong gulang, at limang taon nang magkasintahan. Parehong may maipagmamapalaki sa buhay at maging na rin sa pisikal na pangangatawan. Ngunit gaano man karangya ang kanilang buhay, katulad ng ibang tao ay may kulang rin sa kanila. Pagmamahal. Pagmamahal ng mga magulang. Ngunit napunan iyung pagkukulang na iyon ng bawat isa sa kanila. Parehong hindi alam ng kanilang mga magulang ang relasyon nila. Paano naman nga ba malalaman kung ang alam lamang ng mga ito ay ang magtrabaho, magtrabaho at magtrabaho. Hindi man mali ang magmahal, ay nakagawa pa rin sila ng kamalian. At iyon ang nalaman ng kanilang mga magulang. Buntis si Maeve Kate Mason sa magiging unang anak nila ni Czhadi Reed. Gaya ng ibang mga magulang, ay napangunahan ang kanilang mga magulang ng galit at pagkabigo. Doon ay naisipan nilang lumisan na lamang at magpakalayo-layo. Magpakalayo sa marangyang buhay na mula bata ay kanila nang kinagisnan. Lahat ay nagbago. Makakaya nga bang harapin ng dalawa ang malaking pagbabago na iyon sa kanilang buhay? Ano nga ba ang magiging resulta ng kanilang pagkakamali?