Sabi nga sa isang kanta, muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Magagawa pa nga bang muling ibalik ang lahat ng nasa nakaraan na? Lalo't ilang taon na rin ang nagdaan... *** 8 years ago... Adriano Vince Cortez is a blind person pero dahil sa pagsailalim sa isang operasyon sa mata, nakakita muli siya makalipas ang ilang buwang hindi makakita noon. Mayaman ang pamilya niya at siya ang magmamana ng mga ari-arian nila in the near future kaya hindi na problema ang pangbayad sa operasyon niya. Ang pinoproblema niya ay ang pag-iwan sa dalagang iniibig niya, si Whitney. Nais man niyang isama ito sa kanya papuntang America ay hindi pwede lalo't malalayo ito sa mga pamilya nito at sa Pilipinas rin ito nag-aaral at namumuhay. Sa mga nakalipas na taon mula noong lumisan ang binata ay hindi na ito bumalik pa pero hindi niya alam, hinihintay lang rin siya ng dalaga. Hinihintay pa rin siya nito hanggang ngayon na bumalik. Nawala na rin kasi sa isipan niya ang pagbalik lalo't okay naman na ang pamumuhay niya sa ibang bansa pero kahit ganun, hindi naman nawala sa puso't isipan niya ang dalagang una niyang minahal kahit nakahanap siya ng iba habang malayo sila sa isa't-isa. Kaya no'ng muli silang nagkita ng dalaga ay nagsisi siyang iniwan niya pa ito noon at naghanap ng iba sa Amerika. Maraming nagbago sa postura at itsura ng dalaga pero sa kabila ng lahat ng iyon, isa lang ang masasabi niya... Gusto niyang bumawi sa dalaga. Gusto niyang muling ibalik ang lahat ng dating sila sa nakaraan... ___ Date Started: 01/18/22 Date Finished: 04/12/22 OLD VERSION FT. NOT YET EDIT
38 parts