Mga Pangitain ng Impiyerno Sa loob ng apatnapung gabi, binigyan ng Diyos si Mary K. Baxter ng mga pangitain tungkol sa impiyerno at inutusan siyang sabihin sa mga taong nabubuhay pa sa lupa na tanggihan ang kasalanan at kasamaan, at piliin ang buhay kay Kristo. Narito ang isang salaysay ng lugar at mga nilalang ng impiyerno na kaibahan sa mga kaluwalhatian ng langit. Sundan si Mary sa kanyang supernatural na paglalakbay habang siya ay pumasok na kasama ni Hesus sa isang pintuan ng impiyerno at nakatagpo ang mga tanawin, tunog, at amoy ng madilim na lugar ng pagdurusa, kabilang ang masasamang espiritu, mga selda, mga hukay, mga panga, at puso nito. Maging saksi sa iba't ibang mga parusa ng mga nawawalang kaluluwa at pakinggan ang kanilang mga nakakagulat na kuwento. Ang aklat na ito ay isang paalala na kailangan ng bawat isa sa atin na tanggapin ang Panginoong Hesus bilang ating Diyos at tagapagligtas bago pa maging huli ang lahat-at mamagitan para sa mga hindi pa nakakakilala kay Kristo. Anumang araw at oras ang Panginoong Hesus ay babalik na! Ang sinumang tao na wala kay Kristo ay nabubuhay sa ilalim ng krisis, hatol ng Diyos at kamatayan. Dahil tanging sa Diyos lamang natin matatagpuan ang tunay na kaligayan, kapayapaan, kasaganaan at buhay na walang hanggan. Ito na ang panahon upang tanggapin mo Siya!
8 parts