Lumaki si Arielle Alejandro sa malungkot at madilim niyang buhay. Maaga siyang naulila at naisip niya na hindi patas ang mundo sa kaniya. Paano kung magkaroon siya ng pagkakataon na baguhin ang kaniyang nakaraang buhay kung saan namatay ang kaniyang buong pamilya? Ngunit para mabago ng tuluyan ay kailangan miski isa sa kaniyang pamilya at siya ay hindi pumanaw at kailangan niyang malaman kung sino ang naging dahilan ng kanilang kamatayan. Paano kung pagdating niya sa kaniyang nakaraang buhay ay nasa isang relasyon na siya, ngunit napunta sa ibang ginoo ang kaniyang atensiyon? Pipiliin niya ba ang dinidikta ng kaniyang puso o ang sinsabi ng tadhana? Mapagtagumpayan niya kaya ang mga pagsubok at trahedya na kaniyang haharapin o babalik siya sa kaniyang panahon ng puno ng luha at pagdurusa? Date started: February 20, 2021 -Nostalgia On Going~